Lady Chiefs, Red Spikers itatakda ang Finals

By Francisco Cagape

Laro Ngayon(FilOil Flying V Arena, San Juan City)

9 a.m. - CSB vs CSJL (Jrs)

11 a.m.- SBC vs CSB (M-Stepladder semis)

2 p.m. - SBC vs UPHSD (W-Semis)

4 p.m. - AU vs JRU (W-Semis)

MANILA, Philippines — Magtatagpo ang nag­de­depensa at top seed na Arellano La­dy Chiefs at No. 4 Jose Rizal Lady Bom­­bers, habang ang No.2 San Beda Red Spi­kers ay haharap sa No. 3 Perpetual Help Lady Altas sa knockout semifinal duel sa 93rd NCAA women’s volleyball tournament sa Filoil Flying  V Arena sa San Juan City.

Haharapin ng Lady Chiefs ang Lady Bombers ngayong alas-4 ng hapon matapos ang laban ng Red Spikers at Lady Altas sa alas-2.

Sa men’s stepladder se­­mis ay maghaharap ang No. 3 SBC Red Lions at No. 4 St. Benilde Blazers sa alas-11 ng umaga at ang magwawagi ay lalaban sa No. 2 Arellano Chiefs sa Mar­tes para pag-agawan ang hu­ling fi­nals slot.

Nangyari ang stepladder semis format matapos ma­walis ng Perpetual Help Altas ang siyam na laro sa elimination round.

Kapwa nakakuha ang Lady Chiefs at Red Spikers ng ‘twice-to-beat’ advantage bilang No. 1 at No. 2, ayon sa pagkakasunod, ma­tapos ang eliminasyon.

Tumapos ang Lady Chiefs at Red Spikers na may parehong 8-1 card, ngu­nit mataas ang quotient ng Arellano kaya sila ang top seeded team.

Ang mananalo sa dalawang Final Four games ay maghaharap sa best-of-three Finals.

comments powered by Disqus

mofuse.com