13 batang footballers magsasanay sa Spain

By Francisco Cagape

MANILA, Philippines — Mahigit 13 mga batang football players ang ipapadala ng Milo Philippines sa siyam na araw na training camp mula Oktubre 15 hanggang 23 sa Barcelona, Spain.

Ang mga napiling kabataan ay kabilang sa 150 kids na sumali sa MILO FCB Road to Barcelona Traning Camp noong Sept. 2-3  sa iba’t ibang bahagi ng bansa.Ang mga eksperto mismo mula sa Milo Philippines, Philippine Football Federation at FCB Escola Youth Academy ang pumili sa lucky 13.

Kabilang sa mga napili sina Lien Dale Manuel (Vicente Lim Elementary School), Lara Angela Amante (Isabelo de los Reyes Elementary School), Liam Arc Villaran (Don Bosco College-Canlubang), Kevin H. Hadap (Diosdado P. Macapagal Elementary School) at  Heaven Andrei Teodosio (Ilaya Barangka Integrated School).

Kasama rin sa Barcelona sina Lorenzo Miguel Castillo Plaza (Xavier School), Alexis Caitlin Tan (Keys School Manila), Joseph Kyne Garces (Don Bosco Technical College-Cebu), Marcus Lucas Arias (Don Bosco College-Canlubang), Lorenz Albert Tortona (Xavier School), Enzo Gacutan Courbet (Brent International School), Boris Malcolm Uy (Keys School Manila) at Ethan Jacob Roxas (Paref Springdale-Cebu).

Sina Lien Dale Manuel, Lara Angela Amante, Kevin H. Hadap at Heaven Andrei Teodosio ay mga recipients ng full-sponsorship ng MILO Philippines.

Bukod sa football trai-ning camp, ang bagong pag-asa ng soccer ay magkakaroon din ng pagkakataon na makikita ang mga facilities at landmarks sa siyudad ng Barcelona.  

comments powered by Disqus

mofuse.com