Pringle binitbit ang Globalport sa panalo

By Russell Cadayona

Laro Ngayon (San Agustin Gym, Iloilo City)

5 p.m. San Miguel vs TNT Katropa

MANILA, Philippines — Habang hindi pa nakakapaglaro si scoring leader Terrence Romeo dahil sa injury ay si Stanley Pringle muna ang tatayong lider ng mga Batang Pier.

Humataw ang Fil-Ame­rican point guard ng 29 points, tampok dito ang limang three-point shots, para pangunahan ang Globalport sa 78-70 panalo laban sa Rain or Shine sa 2018 PBA Philippine Cup kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tinapos ng Batang Pier ang kanilang ikalawang sunod na kamalasan para makasama sa win column, habang nalasap ng Elasto Painters ang pangalawang dikit na kabiguan.

Ang basket ni Jonathan Grey ang nagbigay sa Globalport ng 28-21 abante sa opening period bago isara ang first half tangay ang 41-35 kalamangan laban sa Rain or Shine.

Sinandigan ng koponan ni head coach Pido Jarencio ang iniskor na 20 points ni Pringle.

Ipinoste ng Batang Pier ang 11-point lead, 50-39 matapos makumpleto ni Bradwyn Guinto ang kanyang three-point play laban kay Don Trolano sa 9:23 minuto ng third quarter.

Sa likod nina Gabe Norwood, Mark Borboran at Beau Belga ay naputol ito ng Elasto Painters sa 61-62 sa gitna ng final canto.

Muli namang bumandera sina Pringle at Grey para ilayo ang Globalport, nakahugot kay Kelly Nabong ng 12 points habang may 10 markers si Guinto, sa 70-61 patungo sa kanilang unang panalo.

Pinamunuan ni Norwood ang Rain or Shine mula sa kanyang 15 points kasunod ang 13 at 10 mar­kers nina Borboran at Ma­verick Ahanmisi, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, magtutuos ang nagdedepensang San Miguel at TNT Katropa ngayong alas-5 ng hapon sa San Agustin Gym, I­loilo City kung saan target ng Beermen ang solong liderato.

Globalport 78 -- Pringle 29, Nabong 12, Guinto 10, Grey 8, Sargent 8, Gabayni 4, Anthony 3, Flores 2, Elorde 2, Araña 0, Juico 0, Taha 0.

 Rain or Shine 70 - Norwood 15, Borboran 13, A­hanmisi 10, Belga 8, Nambatac 6, Yap 5, Ponferada 3, Daquioag 3, Trollano 3, Almazan 2, Maiquez 2,

Quarterscores: 19-18; 41-35; 58-56; 78-70.

comments powered by Disqus

mofuse.com