Arum 4 na laban ang niluluto para kay Ancajas

By RCadayona

image

Jerwin Ancajas

MANILA, Philippines — Tatlo hanggang apat na laban ang paplantsahin ni Bob Arum ng Top Rank Promotions para kay Filipino world super flyweight titlist Jerwin Ancajas sa susunod na taon.

Ito ay sa pagpapapirma ni Arum kay Ancajas, ang kasalukuyang International Boxing Federation cham­pion, ng kontrata sa kanyang boxing promotion.

“He is going to become a Top Rank fighter,” wika ni Arum sa panayam ng Bo­xingScene.com kahapon. “We're going to fight him at least three or four times a year. We call him the 'Next Manny Pacquiao.”

Ilan sa mga posibleng hamunin ni Ancajas sa 2018 ay sina WBO title-holder Naoya Inoue, Roman Gonzalez, Juan Francisco Estrada, WBC king Sor Rungvisia at Carlos Cuadras.

Si Arum ang nagbigay ng pagkakataon kay Manny Pacquiao para magkampeon sa walong magkakaibang weight divisions.

Ito rin ang tsansang i­lalatag ng veteran promoter para sa 25-anyos na si Ancajas, nagdadala ng 28-1-1 win-loss-draw ring record kasama ang 19 knockouts.

Nagmula si Ancajas sa isang sixth-round stoppage laban kay Irish challenger Jamie Conlan noong Nob­yembre 18 sa Belfast, Ireland.

Noong Hulyo 2 ay napanood si Ancajas sa undercard ng salpukan nina Pacquiao at Jeff Horn sa Brisbane, Australia kung saan niya pinasuko si Japanese challenger Teiru Kinoshita sa seventh round.

Bukod kay Ancajas, ang dalawa pang world boxing champion ng bansa ay sina IBF flyweight king Donnie 'Ahas' Nietes at IBF light flyweight ruler Milan Melindo.

Itinakda ni Arum ang susunod na pagtatanggol ni Ancajas sa kanyang suot na IBF super flyweight belt sa Pebrero ng susunod na taon.

“It will be in February,” sambit ng pamosong promoter.

comments powered by Disqus

mofuse.com