Don Albertini nanggulat

image

  Solong tumawid ng finish line si Don Albertini para mapagwagian ang Japan Racing Association Cup. Ang beteranong kabayo ay pag-aari ni lawyer-businessman Narciso Morales.
 

MANILA, Philippines —  Tinalo ng beterano ngu­nit underrated na si Don Albertini ang pitong iba pa upang angkinin ang P600,000 Japan Racing Association Cup noong Linggo sa isang malaking reversal sa kasaysayan ng horse racing season sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa pangunguna ni top jockey O’Neal Cortez, nasungkit ni Don Albertini ang titulo sa malaking hamon ni  Great Wall sa mid-point ng 1,600-meter race para maiuwi ang malaking prem­yo ng stable ni businessman Narciso Morales.

Ito ang malaking ta­gumpay ni  Morales pagka­raang mabigo sa isang karera mahigit dalawang linggo na ang nakalipas.

Sa pag-alaga ni Agah Matias, si Don Albertini ay nakabenta lamang ng iilang libo sa daily double betting tungo sa mahabang puntirya ng tagumpay. Ito na rin ang kanyang pagbawi sa pang-limang pagtatapos sa walong kasali sa PCSO Cup (Division 1) sa San Lazaro Leisure Park noong September 3.

Ngunit si Don Albertini at ang kanyang jockey na si Cortez ay buma­ngon sa pa­mamagitan ng panalo laban kay top choice Greatwall ng mahigit three lengths ang abante at sa second favo­rite Puting Biyaya ng mahi­git apat na lengths sa oras na isang minuto at 40 segundo sa quarter times na 25-23-24-27.

Dahil sa panalo, naitala na ni Morales’ ang kabuuang number of wins sa 180 sa unang linggo pa lamang ng Setyembre para lumapit sa most winningest horse­owner sa ika-apat na beses sa nakalipas na limang taon.

          

comments powered by Disqus

mofuse.com