Ang at Echauz hinirang bilang Executive of the Year ng PSA

MANILA, Philippines — Dahil sa kanilang solidong suporta sa Philippine sports ay pararangalan ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sina Ramon S. Ang ng conglomerate San Miguel Corp. at Ernesto ‘Judes’ Echauz ng international financial company Standard Insurance.

Igagawad kina Ang at Echauz ang Executive of the Year award mula sa sportswriting community sa PSA-SMC Annual Awards Night sa Pebrero 27.

Ang formal rites na inihahandog ng Milo at Cignal TV ay gagawin sa Maynila Hall ng Manila Hotel.

Bilang dalawa sa mga top entrepreneurs sa bansa, nag­bigay sina Ang at Echauz ng kanilang suporta sa kam­panya ng mga Filipino athletes at tumulong sa iba pang sporting initiatives.

Maliban sa pagiging utak sa basketball at volleyball fran­chises na naglalaro sa ilalim ng SMC umbrella, so­lidong suporta din ang ibinibigay ni Ang sa football at karting.

Kinalinga din ng SMC president at chief operating officer ang archery, rowing, wushu, athletics, wrestling, ka­rate, traditional boat race, judo, dancesport, boxing, muay thai, baseball at petanque.

Si Echauz ang kasalukuyan namang presidente ng Philippine Sailing Association (PSA) at may-ari ng multi-titled boat na Centennial III.

Tahimik niyang tinutulungan ang cycling, duathlon at triathlon sa ilalim ng Standard Insurance kung saan siya nagsisilbing chairman at CEO.

Ang mga nakaraang personalidad na tumanggap ng PSA Executive of the Year award ay sina Manny V. Pa­ngilinan, Wilfred Uytengsu, Hans Sy, Dan Palami, Chito Salud, Ricky Vargas at Philip Ella Juico.

Makakasama ng dalawang prominenteng negos­yante sa pinakamatandang media organization sa ban­sa sa pangunguna ni Dodo Catacutan ng SPIN.ph si­na Jerwin Ancajas, Krizziah Lyn Tabora at Carlo Biado bilang PSA-Tapa King Athletes of the Year.

Pamumunuan nina Ancajas, Tabora at Biado ang ma­habang listahan ng mga atleta at personalidad na ki­kilalanin sa traditional affair na suportado ng Philippine Sports Commission bilang major sponsor katuwang ang Philippine Basketball Association (PBA), Globalport, Rain or Shine at Mighty Sports.

Si Department of Agriculture Secretary Emmanuel Pi­ñol ang tatayong special guest of honor at key speaker sa nasabing two-hour program.

comments powered by Disqus

mofuse.com