Alab Pilipinas puro na

By FCagape

Laro sa Sabado (CIS Arena, Ho Chi Minh City, Vietnam)

7 p.m. - San Miguel-Alab Pilipinas   vs.  Saigon Heat (Quarterfinals: Game 2)

MANILA, Philippines — Muling umarangkada sina Justin Brownlee, Renaldo Balkman at Bobby Ray Parks Jr. para i­angat ang San Miguel-Alab Pilipinas sa 110-100 panalo laban sa Saigon Heat sa Game 1 ng best-of-three quarterfinal series sa 8th ASEAN Basketball League noong Linggo ng gabi sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Umiskor si Parks Jr. ng 24 puntos, apat na rebounds, tatlong assists at dalawang steals para pangunahan ang ikatlong sunod na panalo ng Alab Pilipinas laban sa Saigon Heat at ilapit ang kanilang kampanya sa semifinal round.

Sa kabila ng panalo, hindi kuntento si head  coach Jimmy Alapag sa ipinakita ng kanyang tropa na hangad lampasan ang kanilang semifinal fi­nish noong nakaraang taon.

Matatandaang winalis ng Singapore Slingers ang Filipino team, 2-0  sa semis ng 2016-2017 season.

“We gave up hundred points to four guys, that falls on me. We have to be sharper both offensively and defensively. We had the game in hand in a lot of instances but let them get back into it. Turnovers, bad fouls, the only advantage is we won the first game,” sabi ni Alapag.

Tinukoy ni Alapag ang 42 puntos ni Maxie Esho at tig-19 puntos nina Mikey Williams at Akeem Scott  habang 16 naman mula kay Moses Morgan para sa Saigon Heat na pumasok sa playoff  round sa unang pagkakataon.

comments powered by Disqus

mofuse.com