Zark’s diretso sa pang-limang sunod na ratsada

By FCagape

Laro sa Lunes (JCSGO Gym, Cubao, Quezon City)

2 p.m. – AMA Online vs. Batangas

4 p.m. – Gamboa Coffee vs. JRU

MANILA, Philippines — Hinigpitan ng Zark’s Burger-Lyceum ang depensa para tambakan ang Mila’s Lechon, 102-55, at masungkit ang ika-limang sunod na panalo sa 2018 PBA D-League Aspirant’s Cup kahapon sa Pasig City Sports Center.

Nagpasabog si Mike Nzeusseu ng 15 points at 10 rebounds para itaas ang baraha ng Jawbreakers sa 5-1, samantalang nalasap ng Mila’s  Mighty Rosters ang kanilang pang-limang dikit na kamalasan sa torneo.

Nagdagdag ng tig-12 points sina Kim Cinco at Jaycee Marcelino para sa Zark’s.

“We don't have control on how they play. I was mad at the start because were pla­ying to their brand of basketball,” dismayadong pahayag ni head coach Topex Ro­binson sa kanyang Jawbreakers.

“I called two early timeouts to make sure we're in the right frame of mind. If the opportunity is there to score, well keep on scoring,” dagdag nito.

comments powered by Disqus

mofuse.com