Baguio, Benguet ikinukunsiderang maging host ng Palaro sa 2018

By Chris Co

MANILA, Philippines -  Pitong lugar sa Luzon ang pinagpipilian ng De­partment of Education upang maging punong-aba­la sa 2018 edisyon ng Palarong Pambansa.

Nangunguna na sa lis­ta­han ang Baguio at Benguet na magkasamang nag­pahayag ng intensiyong maging host ng natu­rang multisporting event pa­ra sa mga mag-aaral sa ele­mentarya at sekundarya.

Kasama rin sa mga nag­nanais na makuha ang Pa­larong Pambansa hos­ting ang Tarlac, Ilocos Sur, Ma­rikina, Ilagan at Bulacan.

Naging host na ang San Jose, Tarlac noong 2010 edisyon, habang nag-bid na ang Marikina noong 2014 subalit ibinigay ang hosting rights sa Sta. Cruz, Laguna.

Umaasa naman sina Benguet Gov. Crescencio Pacalso at Baguio Mayor Mauricio Domogan na ma­kukuha ang Palarong Pam­bansa hosting gayun­din si Ilocos Sur Gov. Ryan Luis Singson na nagna­­nais dalhin ang annual event sa kanilang lugar na nagta­taglay ng magagandang atraksyon.

Malaki rin ang tsansa ng Bulacan na siyang ta­hanan ng pamosong Phi­l­ippine Arena na siyang pi­nakamalaking multipur­pose indoor arena sa mun­do na may 55,000 sea­ting capacity.

Nasa tabi ng Philippine Arena ang Philippine Sports Stadium na posibleng pagdausan ng athle­tics at footballl competition.

Pangungunahan ni Dep­Ed Assistant Secreta­ry Tomasino Umali ang pag­bisita sa mga nabanggit na lungsod at probinsiya upang kilatisin ang mga ve­nues na gagamitin gayundin ang magiging billeting ng mga kalahok mula sa iba’t ibang rehiyon.

Matapos ito ay inaasa­hang isisiwalat ng DepEd ang 2018 Palarong Pambansa host bago matapos ang taon.

comments powered by Disqus

mofuse.com