Joint operation ng BI at NBI sa NAIA ikinasa

ORA MISMO By Butch M. Quejada

PERSONAL na binati at itinaas ang morale ni SOJ Vit Aguirre ang mga immigration officers at NBI agents sa NAIA dahil sa pagkakasungkit nila nang limang banyaga na kinabibilangan ng dalawang Chinese national, dalawang Iranian nationals at Somali national na may mga pekeng dokumento para makatuntong sa London.

Sabi ni Aguirre, bukayo ang mga banyaga na pinain ng mga international syndicate para gamitin ang Philippines my Philippines bilang jump-off point ng mga ito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, akala ng mga sindikato ay kaya nilang guyuin ang mga taga - BI at NBI sa airport kaya sinubukan nilang itulak ang kanilang bagong modus operandi.

Binati ni Aguirre at hinangaan ang mga taga - NAIA immigration at NBI agents sa pangunguna nina Marc Red Marinas, hepe ng BI port operation at Joey Moran, hepe ng NAIA - NBI,  sa ‘job well done’ na ginawa ng mga ito.

Pagbutihin ninyo ang mga trabaho ninyo para ipakita sa mga sindikato na hindi nila tayo kayang lokohin sa Philippines my Philippines.

Abangan.

Alvarez vs. Florendo

MUKHANG iniismol diumano ni Davao del Norte Rep. Tonyboy Florendo si House Speaker Pantaleon Alvarez, na siyang itinuturing na isa sa pinaka-powerful officials sa government sa Philippines my Philippines?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang balewala diumano kay Tonyboy ang graft case na isinampal este mali isinampa pala laban sa kanya ni Bebot dahil malulusutan umano nito ang nasabing case problem sa OMB?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Matatandaan na nagkaroon ng hindi magandang relasyon ang dalawang dating magka-sangga kaya nagsampa ng kasong graft si Alvarez laban kay Florendo dahil sa diumano’y conflict of interest matapos pumasok sa isang joint venture ang kanyang kumpanyang Tagum Agricultural Development Co. o TADECO at ng gobierno.

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang ipinagmalaki pa diumano ni Florendo na dehins siya kaya ni Bebot habang hawak umano ang isang baso ng mamam?

Naku ha!

Ano ba ito?

Totoo kaya ito?

Ibinulong sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa nasabing pagtitipon ng mga lasing este mali grupo pala ipinagmalaki diumano ni Florendo na mawawalang saysay diumano ang kasong isinampa ni Bebot sa OMB?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Bakit kaya?

Sagot - mayaman at daming datung si Florendo at napakaraming kaibigan puedeng makatulong sa kanya sa kaso niya sa OMB?

Paano?

‘Ang depensa ng kanyang mga abogado sa kaso niya dito ?’ sabi ng kuwagong lasing.

Tanong - kung halimbawa lumusot sa kaso si Florendo sa Ombudsman ano kaya ang masasabi ni Mr. Speaker dito?

Abangan.

comments powered by Disqus

mofuse.com