Boss Digong hindi natinag!

ORA MISMO By Butch M. Quejada

HINDI nayugyog si Boss Digong ng lumagapak ang kanyang last SWS survey dahil nananatiling mataas ang kumpiyansa ng madlang Pinoy todits sa kabila nang kaliwa’t - kanan pagbatikos nang mga kontrapelo sa kanyang administrasyon.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaking bahagi pa rin ng madlang Pinoy ang bilib at nasisihayan sa performance ni Boss Digong.

Ika nga, satisfied!

Kaya naman nananatili sa level na “good” ang satisfaction rating ni Boss Digong.

Last Sept. 23 up to 27, ginawa ang survey na mainit pa sa kumukulong ‘lava’ ang mga usapin tungkol sa EJK, P6.4 billion shabu disapperance sa Customs at ang National Day of Protest.

Sabi ng mga alipores ni Boss Digong walang dapat ikabahala sa pagbaba ng ratings nito dahil ito ay sukatan lamang ng mga kung anong programa ang dapat iprayoridad ng pamahalaan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, katiting lang sa madlang Pinoy ang walang tiwala kay Boss Digong ito yong mga ayaw siyang maging panggulo este mali pangulo pala ng Philippines my Philippines.

Sa pagpasok ng new year tiyak tututukan ni Boss Digong ang programa kontra kahirapan at ekonomya. 

Ang kampana este mali kampanya pala laban sa korapsyon at illegal drugs ay mananatiling priority nila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sasabayan ito ng mga programang mag-aangat sa kahirapan gaya ng libreng edukasyon sa mga pampubikong kolehiyo at unibersidad, dagdag tulong sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program gaya ng makakaing bigas at libreng gamot sa mga maralita.

“Nakatuon ang ating pamahalaan sa pagtatayo ng mga imprastraktura na malaki ang maibibigay na ayuda sa ating ekonomiya. At kapag nariyan na ang mga proyektong ito ay natural na dadami ang oportunidad para magkatrabaho ang ating mga kababayan. Pangmatagalang solusyon ang ating tugon sa problema sa kahirapan,” tirada ni Secretary Martin Andanar.

Birada ni Andanar: “Tinatanggap natin ang resulta ng survey na ito na ating tutugunan sa positibong paraan. Ito ay magsisilbing giya  sa ating mga susunod na hakbang.”

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit umiiral pa rin ang Martial Law sa buong Mindanao, nananatiling pinakamataas pa rin dito ang rating ni Boss Digong nangangahulugan lamang ito na habang may iba o kontrang pananaw ang ibang mga taga Visayas at Luzon, suportado ng mga taga Mindanao ang batas militar.

Naniniwala ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na muling aarangkada pataas ang rating ni Boss Digong oras na matapos na ang krisis sa Marawi.

Ang isinagawang survey ay bunga ng mga panayam sa 1,500 indibidwal sa buong kapuluan na siyang napakaliit na bilang para kumatawan sa mahigit 100 milyong mamamayang Pilipino.

comments powered by Disqus

mofuse.com