Laglag bala noon, ‘nakaw pera’ ngayon

ORA MISMO By Butch M. Quejada

MATAPOS mapabilang sa talaan ng ‘Top 10 world most improved airports’ ang NAIA, dalawang salbaheng gago empleado ng Office for Transportation Security ng DoTr, ang sisira lamang nang pangalan ng paliparang ito dahil sa ginawang ‘nakaw pera’ sa isang Japanese national.

Lusot na sana ang dalawang gago kaya lang pumalag ang Hapon at nag-reklamo sa MIAA police.

Anyare?

Sagot - huli ang dalawang Hudas?

Bakit, Hudas?

Sagot - pinagpalit umano nila ang trabaho nila sa ilang pirasong perang papel.

Sa reklamo ng Hapon sa MIAA police nahuli ang dalawang boknoy matapos magsagawa ng follow-up operations ang mga alagad ng batas.

Ang dalawa ay taga - Department of Transportation - Office for Transportation Security at sila ay kapwa ‘intelligence agents aide.’

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakita sa CCTV monitor ang ginawa ng isang alyas Stephen Bartolo, ng Block 12, Lot 2 Istana Subdivision Malagasang 1F, Imus Cavite, ng may kunin umano sa pitaka ni Yayu Sakata, complainant, kaya naman nagwawala ang huli dahil nawawala ang kanyang umano’y 1,500 Australian dollar matapos niyang ilagay sa x-ray machine ang kanyang gamit pagpasok niya sa arrival entrance Gate 2 sa NAIA Terminal 3.

Matapos ang ginawang imbestigasyon, inginuso ni Bartolo na inabutan niya ng pitsa ang kanyang kasama na si Demie James Plaza Timtim, 28, walang asawa, ng Block 3, Lot 14, Green Place 2, Malagasang, Imus Cavite.

Ang dalawa ay kinasuhan ng qualified theft ng MIAA sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Sila ay hindi na puedeng pumasok sa airport dahil nasa MIAA Stop List of personnels ang kanilang mga pangalan.

Humihingi naman ng pang-unawa si Connie Bungad, ng MAD- MIAA chief, sa ginawa ng dalawang ito.

Bakit?

Sabi nga, isolated case!

Abangan.

Mabaho at maruming Manila Bay paliguan ng mga pobreng alindahaw

PINAGTABUYAN at pinagsabihan yesterday nang mga autoridad ang mga mahihirap na madlang people na naliligo at nagsa - sun bathing sa Manila Bay dahil sa naramdaman init ng panahon.

Sabi nga, bawal kasi ang maligo sa may Manila Bay kasi pala may ipinatutupad na Ordinance 3825,  ang City of Manila na nagbabawal sa sino man ang maligo sa ‘grabeng dumi, baho at ma-ebak na dagat?’

Ano ang mainam gawin para hindi na paliguan ang karagatan ng Manila Bay at maligtas sa ano man uri ng sakit ang mga gustong maligo?

Sagot - bigyan ng ultimatum ang mga pinagbabawalan para sa susunod ay puede na silang ‘itokhang’ este mali ikulong pala.

Sabi nga, para magtanda at madala.

Hindi dapat ningas - cogon ito!

Abangan.

comments powered by Disqus

mofuse.com