Dalawa pang drug rehab centers sa Mindanao

DURIAN SHAKE By Edith Regalado

Ang Chinese Embassy sa Manila at sa kooperasyon ng Department of Health ay pinangunahan ang isang groundbreaking ceremony para sa konstruksyon ng dalawang dangerous drug treatment and rehabilitation facilities sa Mindanao, partikular na sa bayan ng Sarangani at Agusan del Sur.

Ayon sa Chinese Embassy and  construction ng dalawang rehabilitation centers in Sarangani and Agusan del Sur ay ang  first Chinese grant aid construction project sa Pilipinas. 

Ang nasabing construction ng nasabing rehabilitation centers  ay tinatayang matapos sa loob ng 21 buwan,  ayon sa Chinese Embassy.

Ito ay nasasang-ayon sa pinagkasunduan ng dalawang bansa. 

Ngunit bago pa man ang dalawang drug rehab centers na ito, medyo nagkaroon yata ng problema ang 10,000-bed capacity na drug treatment at rehab center na unang itinayo sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija na kung saan konti lang ang takers. 

Sinabi na nga na ibibigay na lang ang mga structures sa Nueva Ecija sa Philippine Army upang gawin itong training center. 

Sobra nga ang laki at ang lawak ng Nueva Ecija center na nasa loob ng military reservation area. 

Ang ibig kong sabihin nito ay hindi lang naman hanggang sa pag-gawa ng mga nasabing structures ang pagpatayo ng drug treatment and rehabilitation centers. 

Mahalaga rin na gawin ng Department of Health ang tungkulin o parte nito na  magkaroon na proper management ang treatment at rehabilitation processes para sa mga drug addicts. 

Kasi nga kung hindi naman magampanan ng mga kinauukulan ang mga nararapat na treatment eh para na ring balewala ng mga nasabing istruktura kahit pa sampu o isang daan pa ang ipapatayong drug treatment at rehabilitation centers. 

Bigyang pansin din sana ang management ng buong process ng treatment at rehabilitation upang maging matagumpay ito.

comments powered by Disqus

mofuse.com