Ty sa inyo dyan sa Boracay

ORA MISMO By Butch M. Quejada

NAGPAPASALAMAT ang pamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, kina Ays Magbanua, hepe ng Immig­ration dyan sa Boracay Island, Jonas Bauser at Elmer ‘Jay’ Lopez, ng White Sand water activities dyan sa nasabing isla.

Hindi biro ang ginawang pag-asikaso ng tatlo sa pamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng nagtungo ang mga ito doon.

Anyway, thank you again!

Cimatu galit sa nagpabaya

Sinibak sa tungkulin pala ni DENR Secretary Roy A. Cimatu ang dalawang opisyal ng kanyang ahensiya dyan sa Region 9.

Bakit?

Sagot - dahil daw sina dating Regional director, Felix Mirasol at Zamboanga del Norte OIC PENRO Geoffrey S. Zayas ay diumano’y nagkulang sa pagtupad ng tungkulin kaya’t nangyari ang flash floods at mudslides sa Zamboanga Peninsula noong hambalusin ng bagyong Vinta ang probinsiya.

Sabi ni Cimatu sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tama na hindi lang dahil sa command responsibilities ang nangyari kundi may umano’y kapabayaan talaga sila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matindi ang nangyari sa kapaligiran ng probinsiya kaya isasama niya sa kaso ang mga may kinalaman dito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipinalit ni Cimatu sina Carlito Tuballa  bilang bagong regional director ng DENR Region 9 at si Dr. Salahudin Caing bilang bagong hepe ng Zamboanga del Norte Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng DENR.

‘Maraming dapat ipaliwanag sa mga pangyayari kaya masusi itong iniimbestigahan at hindi lamang dito sa probinsiya kundi sa ibang probinsiya na nagkaroon ng kapabayaan.’ sabi ni Cimatu.

Ika nga, kanselahin ang dapat kanselahin, isara ang dapat isara!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang operasyon ng  South Davao Development Co. Inc., (SODACO) at Sirawai Plywood & Lumber Corp (SPLC) sa Sibuco Zamboanga ay kanyang sinuspinde sa utos ni Boss Digong.

Abangan.

comments powered by Disqus

mofuse.com