210 kolorum inimpound ng PNP-HPG

By Joy Cantos

MANILA, Philippines — Nasa 210 kolorum na mga bus at vans ang inimpound ng mga tauhan ng Highway Patrol Group matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghabol sa mga ito makaraang ang trahedyang naganap sa isang unit ng Dimple Star bus kung saan 19 katao ang nasawi, kamakailan.

Ayon kay HPG Director Chief Supt. Arnel Escobal na sa 210 nasabat na kolorum 119 dito ay mga pampubli­kong­ bus habang 91 ang kolorum na mga van.

Idinagdag pa nito na ang MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) ang siyang nakapagtala ng pi­nakamataas na bilang ng mga na-impound na  mga bus na 51 at van na 21, sumunod ang Southern Tagalog Region na 22 bus at 4 na van.

Pumangatlo rito ang Central Luzon na may 15 bus at dalawang van.

Magugunitang ang pagwalis sa mga kolorum ay mahigpit na ipinag-utos ng Pangulo ma­karaang matuklasan ang maraming paglabag ng Dimple bus na ngayon nga ay sinus­pinde na ang buong operasyon.

Ayon pa kay Escobal na ang operasyon ng HPG laban sa mga kolorum ay isinasa­gawa sa buong bansa sa pakiki­­pag­koordinasyon sa tanggapan ng LTFRB at LTO.

Nilinaw pa nito na hindi nila inaaresto ang mga driver ng mga nasabat na kolorum, kundi ang malaking obligas­yon dito ay sa may-ari o sa ope­­rators, maging ang pagsa­sampa ng kaso ay ibang ahensya ang siyang may pananagutan at hindi  ang HPG. 

comments powered by Disqus

mofuse.com