Manager ng security agency, utas sa tandem

By Danilo Garcia

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang mana­ger ng isang security agency makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa tapat ng gate ng isang subdibisyon, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Inisyal na nakilala ang nasawi na si Castolo Salava­ria, ng Carissa Homes Subdibvision, Brgy. 167 Llano, ng na­turang lungsod.

Sa paunang ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente pasado alas-8 ng umaga sa tapat ng gate ng Carissa Subdivision.  Mag-isang naglalakad ang biktima nang harangin at pagbabarilin ng mga salarin.

Nagawa namang makatakas ng mga gunman palabas ng subdibisyon at hindi na naharang dahil sa kakulangan ng seguridad sa magkakatabing subdibisyon sa  lugar.  Huli na rin nang makaresponde ang mga tauhan ng Caloocan Police.

Kasalukuyang blangko pa ang pulisya sa motibo sa naturang pamamaslang na tinututukan ngayon ng pulisya ang imbestigasyon.  Inaalam rin ng pulisya kung may closed circuit television camera sa subdibisyon sa pag-asang nahagip ang mga salarin.

comments powered by Disqus

mofuse.com