‘Sumbong Bulok, Sumbong Usok’, ilulunsad ng DOTr

By Mer Layson

MANILA, Philippines — Ang programang ‘Sumbong Bulok, Sumbong Usok” ang siya naman isusunod na ilunsad ng Department of Transportation (DOTr) matapos ang proyektong “Tanggal Bulok, Tanggal Usok”.

Ayon kay DOTr Undersecretary Thomas Orbos, layunin nilang hikayatin ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga makikita nilang mga pasaway na motorista na patuloy pa ring gumagamit ng mga sira, luma at mausok na sasakyan.

Sinabi ni Orbos, kasa­lukuyan ng ginagawa ang mga guidelines at protocol para sa naturang prog-rama bago ito ilunsad  sa darating na araw ng Lunes.

“Ginagawan na po na­min ng guidelines, protocols   para sa programa. Hopefully by Monday we launch yung “Sumbong Bulok, Sumbong Usok” campaign”. ani Orbos.

Nabatid na panguna-hing target ng kampanya ay ang mga sasakyang smoke belcher, bukod pa yaong may mga sirang ilaw at kalbong gulong.

Maaari aniyang kuhanan ng litrato ng publiko ang mga naturang PUV na makikita nilang kakarag-karag na o bulok na at isumbong ang mga ito sa mga awtoridad.

Nauna rito, sinimulan nang ipatupad ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ang programang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” na nagresulta para harangin ang may 1,000 pasaway na PUV drivers, na nagmamaneho ng mauusok na PUVs, na may kalbong gulong at hindi nagbubukas ng ilaw kahit bumibiyahe ng gabi.

comments powered by Disqus

mofuse.com