Pag-aalis ng tattoo ban sa PNP, AFP tinutulan

By Joy Cantos

MANILA, Philippines — Marungis at mukhang kri­minal!

Ito ang tahasang inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa na hindi pabor na tanggalin ang ban laban sa tattoo para makapasok sa hanay ng kapulisan.

Ginawa ni dela Rosa ang pahayag sa gitna na rin ng imungkahi ni Davao City Rep. Karlo Alexei Nog­rales na tanggalin na ang ban sa may mga tattoo bilang recruitment sa PNP at maging sa Armed Forces of the Philippines.

Sinabi ni dela Rosa na  paano mo makikilala ang mga pulis at kriminal kung pareho ang mga itong may mga tattoo kaya mas nais pa rin niyang disente ang itsura  na walang mga naka-display na tattoo sa balat ang mga pulis.

Sa kabila nito, nilinaw ni  dela Rosa, hindi sila magdi-discriminate kung sino ang kuwalipikado at hindi kuwalipikadong makapasok sa proseso ng recruitment sa PNP.

“Pero kung tattoo talaga ikaw gusto mo bang naka-uniporme tapos daming ta­ttoo dito? meron kaming standing policy diyan na bawal talaga  na ma-recruit yung may mga tattoo pero hindi namin sila nire-reject  outright”, ani dela Rosa.

Inihayag ni dela Rosa na kung nais magpulis ay dapat magtanggal ng tattoo pero kung tago ay makikita pa rin ito paghubad ng mga pulis sa eksaminasyon ng PNP Health Service.

“Sa medical exam, ma­kikita talaga lahat dahil hubad so advise naming tanggalin pa rin tattoo nila. Part of the grooming yan, hindi nakapag-shave ang pangit tingnan hindi ba, how much more kung maraming tattoo?”, ayon pa kay dela Rosa na idinagdag pang wala naman silang problema sa height requirements.

Sa panig naman ni Defense Secretary Delfin Lo­ren­­zana sinabi nito na muk­hang gangster ang imahe kapag may tattoo kaya ayaw niya na alisin ang ban ukol dito para maging kasapi ng AFP.

“Any good reason why we will lift it? We would like to keep it that way. Just like haircut. The military impo­ses strict rules on haircut and even mustache, why not tattoo? Tattoos are ugly and connotes gangster image”, anang Kalihim.

Binigyang diin pa ni Lo­renzana na hindi naman pagiging makaluma kung ayaw sa tattoo sa Hukbong Sandatahan.

comments powered by Disqus

mofuse.com