Kuwaiti inaresto sa pagwawala sa loob ng eroplano

By Butch Quejada

MANILA, Philippines — Isang Kuwaiti national ang hinuli ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ma­tapos itong i-radyo ng piloto sa Manila Tower na nanggugulo at ayaw magpaawat sa airline staff habang ang eroplano ay nasa himpapawid at pababa sa nasabing paliparan.

Ayon sa ulat, paglapag ng eroplano sa NAIA T1 ay agad pinasok ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation security group at pinosasan ang isang Almarri Faisal at dinala sa arrival area ng Bureau of Immigration para doon im-bestigahan sa ginagawa nito.

Si Faisal ay sakay ng eroplanong Qatar Airlines flight galing Doha, na dumating sa NAIA, kahapon ng hapon.

Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag si Faisal ng kausapin ng mga reporters kung bakit ito nagpakita ng kagaspangan habang nasa himpapawid ang eroplano.

Samantala, inihahanda ng BI ang deportation proceedings laban kay Faisal at anuman oras ay pababalikin ito sa port of origin.

comments powered by Disqus

mofuse.com