Dagdag presyo sa petrolyo, umarangkada muli

By Danilo Garcia

MANILA, Philippines — Muling umarangkada ang pagtataas sa singil sa mga produktong petrolyo ng mga lokal na kompanya ng langis sa bansa epektibo ngayong Martes (Abril 3).

Pinangunahan ng Pilipinas Shell, Flying V, Caltex, Eastern­ Petroleum, Phoenix Petroleum Philippines at Seaoil ng dagdag na P0.90 sa kada litro sa gasolina, P1.00 sa diesel at P1.00 kada litro sa kerosene na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod maglabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng la­ngis sa bansa sa pagpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na oil price hike sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pami­lihan.

Magugunitang nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na P1.15 kada litro sa gasolina, P1.10 kada litro sa diesel at P1.00 kada litro sa kerosene.

comments powered by Disqus

mofuse.com