Koreano huli sa drug bust

By Ludy Bermudo

MANILA, Philippines — Isang Korean national ang naaresto ng Manila Police District-Station 6 sa isinagawang buy-bust operation kung saan  isang kilo ng marijuana ang na­samsam dito sa Sta. Ana, Maynila, iniulat kahapon.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Supt. Olivia Sagaysay, hepe ng MPD-Station 6, nakikipag-ugnayan sila sa Korean Embassy kaugnay sa pagkakadakip sa suspek na si Sunghyun Kim, 25, binata, turista, pan­samantalang nanunuluyan sa Altiva Cypress Tower, Taguig City.

Nabatid na natimbog ang suspek ng grupo ng pinamu­nuan ni Senior Insp. Rommel Purisima sa New Panaderos st., Sta. Ana, Maynila.

Nakumpiska sa suspek ang isang plastic na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na umabot sa isang kilo at 3 hiwalay na sachet pa ng mari­juana na may kabuuang timbang na 1.25 kilos o mahigit P35,000 street value nito.

Nahaharap sa kasong pag­labag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na pansa­mantalang nakapiit sa nasabing istasyon.

comments powered by Disqus

mofuse.com