Furniture shop, tinupok ng apoy

By Mer Layson

MANILA, Philippines — Isang furniture shop ang tinupok ng apoy sa Brgy. Fairview, Quezon City, kamaka-lawa ng gabi  at hinihinalang may nagsiga na hindi napa­tay ng maayos na ginaga­mit sa pagpapausok sa mga lamok ang naging sanhi nito.

Ayon kay Fire Insp. Ro­sendo Cabillan, ng Quezon City Fire District, dakong alas-10:00 ng gabi nang su­miklab ang sunog sa naturang furniture shop na matatag­puan sa Regalado Avenue, sa Brgy. Fairview, at kaagad na itinaas sa unang alarma.

Mabilis namang nakontrol ang sunog matapos ang 23-minuto at naideklarang fireout dakong alas-11:10 ng gabi. Nadamay umano sa sunog ang likurang bahagi ng isang L-300 van na nakaparada sa loob ng compound.

Ayon kay Cabillan, tini­tingnan nilang posibleng sanhi ng sunog ay ang siga na hindi napatay ng maayos, ngunit kinukumpirma pa ito.

Aniya, nakakalap sila ng impormasyon na may mga nagsisiga o nagpapausok sa lugar na pinangyarihan ng sunog dahil marami umanong lamok doon.

Tinatayang nasa P50,000 ang halaga ng mga ari-ariang natupok sa sunog.

comments powered by Disqus

mofuse.com