MPD pinaghahanda sa ASEAN

By Doris Franche-Borja

MANILA, Philippines — Inatasan na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Manila Police District (MPD) na ilatag na ang mga security measures para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Nobyembre, kabilang na ang pagsasanay sa mga pulis na itatalaga sa seguridad ng mga world leaders at fo­reign delegates.

Paliwanag ni Estrada, ma­halaga ang ASEAN meeting na ito na aniya’y pinakama­laki nang pagtitipon ng mga world leaders na iho-host ng Pilipinas at ng lungsod ng Maynila.

Sa pakikipagtulungan sa ibang security at law enforce­ment agencies, pina­ala­laha­nan ni Estrada ang Manila Police District (MPD) na tiyaking “foolproof” ang kanilang security plans upang magarantiyahan ang kaligtasan ng mga foreign dele­gates at maging maayos ang mga pagpupulong.

Ayon kay MPD director­ Chief Supt. Joel Coronel, 2,500 pulis, kalahati ng pwersa­ ng MPD, ang itatalaga sa ASEAN meeting na gaganapin mula Nobyembre 13 hanggang 15.

Bahagi sila ng 19,000 pulis na bumubuo sa Task Group Manila Shield na siyang ma­ngangalaga ng seguridad ng ASEAN Summit.

Sa utos ni Estrada, sumasailalim na aniya sa refresher training ang mga ito sa area security, billet security, route security, communication, at civil disturbance management.

November 10, 11, 12, pa lamang ay ilalatag na ang mga security  plans at  secu­rity deployment.

Ilan sa mga ASEAN meetings, ayon kay Coronel, ay gaganapin sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex, partikular na sa Phi­lippine International Convention Center(PICC); re­gular na dadaan din sa Ro­xas Boulevard at ilang pa­ngunahing kalsada sa lungsod ang mga VIP convoys.

Tiniyak ni Coronel na nasa “full defensive status” ang buong MPD sa mga panahong ito; wala pa naman aniya silang natatanggap na kahit anong security alert.

comments powered by Disqus

mofuse.com