PANOORIN: Bus hinarang ng umano'y abusadong enforcer sa Taguig, mga pasahero naabala

By Lyka Nicart

MANILA, Philippines – Aberya ang inabot ng mga pasahero ng isang bus matapos itong harangin ng isang traffic enforcer sa Mindanao Avenue sa lungsod ng Taguig.

Sinita umano ng enforcer ang driver ng bus dahil sa kakaibang plate number na gamit ng bus.

Kwento ng isang pasahero, kaagad na kinuha ng enforcer ang driver’s license ng bus driver at bibigyan ng tiket.

Giniit naman ng driver na wala naman siyang nilabag pero hindi ito pinansin ng enforcer kahit na nagpakita pa ito ng mga papeles.

Tumagal ng halos kalahating oras ang pagtatalo ng dalawa hanggang sa inutusan ng enforcer ang mga pasahero na bumaba sa sasakyan dahil hahatakin na ito.

Wala namang maipakitang permission to tow ang naturang officer nang hiningian siya ng driver. Sa bandang huli, walang nagawa ang mga pasahero at napilitan silang bumaba ng bus at naghintay muli ng masasakyan.

Inireklamo rin ng mga pasahero ang mainit na ulo ng officer.

comments powered by Disqus

mofuse.com