Kelot itinumba ng tandem

By Mer Layson

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang lalaki ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek habang ang biktima ay nakatayo sa harap ng isang tindahan sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Gerardo Billones, 49, binata na nakatira sa Karilaya St., Tatalon, Quezon City.

Nabatid mula kay SPO1 Edel Canaveral na ang pagbaril at pagpatay sa biktima ay naganap dakong alas-12:30 ng madaling araw sa tapat ng Linda Store na makikita sa 508 Victory Ave­nue, Brgy. Tatalon sa lungsod.

Ayon sa report, dalawang lalaki ang lumapit sa biktima at walang sabi-sabing barilin ito nang malapitan. Naitakbo pa si Billones sa hospital pero binawian din ng buhay dahil sa tatlong tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa katawan.

Nakuhanan pa ng  CCTV camera ang ginawang pagbaril sa biktima hanggang sa kanilang pagtakas patu-ngong Quezon Avenue.

May hinala naman ang kapatid ng biktima kung sino ang maaaring may gawa ng krimen pero hindi nito tinukoy ang pangalan.

Sinasabing, noong Sa-bado ay may pinagalitan at pinaalis umano si Billones na mga nag-aaway sa tapat ng kanilang bahay habang sila ay may okasyon.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

comments powered by Disqus

mofuse.com