Drug pushing posibleng tumaas -- NCRPO chief

By Lordeth B. Bonilla

MANILA, Philippines — Matapos alisin ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa kamay ng Philippine National Police (PNP) ang pagsa-sagawa ng ‘Oplan Tokhang’ at kampanya kontra droga, nangangamba sa ngayon si National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde sa posibleng pagtaas ng insi­dente ng drug pushing sa Kalakhang Maynila.

Nabatid na ang kampan-ya kontra droga at pagsasagawa ng ‘Oplan Tokhang’ ay ibinigay na sa hurisdiksiyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Paniwala ni Albayalde, hindi kayang bantayan ng PDEA ang bawat sulok ng bansa lalo na ang Metro Manila na may 13 milyong populasyon dahil kulang sila sa man power.

Subalit, sinabi nito na  hin­di raw ibig sabihin na hindi na nila huhulihin ang mga maaaktuhang drug suspect, dahil maari pa rin aniya nilang damputin ang mga ito pero sa halip na sa istasyon ng pulis dalhin ay sa PDEA na ito ituturn over.

Sa kabila nito, tiniyak pa rin ni Albayalde na hindi nila pababayaan at makikipagtulungan pa rin sila sa “war on drugs” sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga impormasyon at intelligence reports sa PDEA na may kaugnayan sa illegal na droga sa kanilang nasasakupan.

Sa ngayon, wala pa uma­nong direktiba ang PNP Headquarters kung saan dadalhin ang mga nakatalagang pulis sa mga district at station drug enforcement unit pero tutulong pa rin ang mga ito sa mga ipinapatupad na anti -criminality campaign ng PNP.

comments powered by Disqus

mofuse.com