Semana Santa mapayapa – PNP

By Joy Cantos

MANILA, Philippines — Generally peaceful !

Ito ang  inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa base sa pangkalahatang pagtaya sa katatapos na paggunita sa Semana Santa sa buong bansa.

“It’s generally peaceful, we did not monitor any significant or serious incident that threa­tened general peace and order, and internal security”, pahayag ni dela Rosa sa paggunita sa panahon ng kuwaresma nitong nakalipas na linggo hanggang alas-6 ng umaga nitong Abril 2 ng taon.

Sinabi ni dela Rosa na nasa 35,390 personnels ng PNP ang nanatili pang nakaposte sa 5,039 Police Assistance Centers sa mga istratehikong lokasyon sa mga pangunahing lan­sangan upang tumulong sa mga bumibi­ya­heng katao at maging mga motorista na magsi­sibalikan na sa mga urban centers. 

Ang nasabing assessment ay base sa mga report sa field mula sa mga Police Regional Of­f­i­ces na natanggap ng PNP National Operations Center kaugnay ng isang linggong paggunita sa panahon ng kuwaresma .

“The PNP embarked on a 90-day summer security and public safety plan from the gradua­tion week March through the Holy Week, on­wards to the Flores de Mayo and Fiesta Season in May until the opening of classes in June”, anang opisyal.

Inihayag ni dela Rosa na mga insidente lamang ng pagkalunod, aksidente sa lansangan, aksidente sa karagatan ang ilang mga ‘isolated case’ na naitala ng National Operations Center ng PNP. Kabilang din dito ang paghahasik ng karahasan ng NPA terrorists kaugnay ng pagdiriwang ng mga terorista ng kanilang ani­bersaryo noong Marso 29 (Huwebes Santo).

“We thank the general public for coopera­ting with the Philippine National Police as we continue to serve you and ensure their safety during this summer vacation,” ang sabi pa ng PNP Chief.

comments powered by Disqus

mofuse.com