6 bus gamit sa field trip, pinigil ng LTFRB

By Angie dela Cruz

MANILA, Philippines — Pansamantalang naunsi­yame ang field trip ng mga mag-aaral kahapon sa Quezon City.

Ito ay makaraang pigilin ng mga elemento ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makapagsakay ng pasahero ang anim na bus ng Cianzar Transport Services sa may Quezon City circle na sinasak­yan ng mga mag- aaral na paalis na sana para sa kanilang field trip.

Ayon kay LTFRB boardmember Aileen Lizada, pinigil ang naturang mga bus dahil kolorum ito.

“It appears na yung anim na buses ng Cianzar ay mga colorum. Meron silang franchise verification sa amin, but these are not the buses na may prangkisa,” pahayag ni Lizada.

Nilinaw ni Lizada na hanggang sa kasalukuyan ay  naka pending pa sa LTFRB ang aplikasyon ng anim na bus ng Cianzar para makakuha ng franchise kayat wala pa itong permit para mamasada.

Binigyang diin ni Lizada na kailangan munang makakuha ng franchise ang naturang mga sasakyan para payagang magsakay ng mga pasahero.

Sa ngayon, ang anim na colorum  bus ay inimpound na ng LTFRB.

Ilang sandali, agad namang nailipat ang mga mag-aaral sa ibang tourist bus na may prangkisa kayat nakaalis din ang mga ito kahapon papunta sa kanilang field trip.

comments powered by Disqus

mofuse.com