23 palaaboy sinagip sa Maynila

By Doris Franche-Borja

MANILA, Philippines — Muling nagsagawa ng operasyon ang Manila Department of Social Welfare sa iba’t ibang lugar sa lungsod  na nagresulta sa pagkakasagip sa  23 palaboy.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada tuluy-tuloy at araw-araw na ginagawang rescue operation ng MDSW upang alisin sa kalye ang mga palaboy sa layu-ning mailigtas sila sa mara-ming panganib na posibleng mang­yari sa mga kalsada lalu na ang mga kabataan.

Ang mga ito, ayon sa al­kal­de, ay binibigyan ng pa­mahala­ang lungsod ng pansamantalang tirahan, pi­na­pakain, pinaliliguan, dina­damitan at ipinagagamot.

Sa EO No. 10, inaatasan ang lahat ng departamento ng pamahalaang lokal na gawing tuluy-tuloy ang operasyon kontra sa mga palaboy upang matamo ang ‘zero street dweller’ sa May­nila.

Sinabi ni Ms. Lindsay Javier, MDSW supervising officer, na tumulong sa ope­rasyon ang ilang tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at mga opisyal ng barangay.

Sa 23  na narescue,  17 sa kanila ay mga menor de edad na wala nang pamilya; at isang pamilya na binubuo ng apat na tao.

Ayon kay MDSW chief Nanet Tanyag, regular na iniikot nila ang mga kalye sa District 3 na sumasakop sa Binondo, Quiapo, Sta. Cruz area; sa Distict 5 sa Ermita, Malate, Baywalk sa Roxas Blvd., Paco, Port Area, Intramuros at San Andres, at District 4 sa Sta. Mesa at Recto at ilang kalye sa District 6.

comments powered by Disqus

mofuse.com