Slum areas dapat ding isailalim sa ‘danger zones’ ng NHA - Joy B.

By Angie dela Cruz

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa National Housing Authority (NHA) na isama rin sa listahan ng tinatawag na danger zones ang mga squatter areas na tinuturing na ‘fire traps’.

Ito ayon kay Belmonte ay dahil ang mga informal settlers na naninirahan sa mga loteng may pribadong pag-aari ay dapat ding bigyan ng prayoridad ng pamahalaan sa relokasyon at mga housing programs.

“When we say danger zones, we would always think of communities along waterways, rivers, and creeks. What about the people in privately-owned lots?”, pahayag pa ni Belmonte.

Bukod sa pamimigay ng mga relief goods sa mga residente ng barangay Obrero na nasa danger zones, tinignan din ni Belmonte ang kalagayan ng may 40 pamilyang nawalan ng bahay sa nabangit na lugar.

“They are also in a danger zone because their place is fire-prone. Mga bahay nila gawa lang sa mga light materials. I believe it is only right that NHA will also list these areas as danger zones, ito ay para magkaroon din agad sila ng relocation,” sabi pa ni Belmonte.

Pinansin din ni Belmonte ang kawalan ng presensya ng mga taga-Urban Poor Affairs Office (UPAO) na aniya’y dapat unang tumutulong sa mga nasunugang informal settlers.

“Nakapagtataka ‘yun kaya’t aalamin ko sa City Hall kung bakit wala pa ring mga taga-UPAO dito, at least we should provide them basic comforts that they need, nawalan na nga sila ng bahay, e.” patungkol ni Belmonte sa naganap na malaking sunog sa Roces sa lungsod.

Kuwento pa ni Belmonte, nang dalawin niya sa mga evacuation centers ang mga nasunugan ding pamilya sa barangay Botocan at Tatalon, wala siyang nakitang kahit isang portalet o portable toilet para sa mga evacuees.

comments powered by Disqus

mofuse.com