Drug traffickers, users huhulihin nang buhay – PNP

By Joy Cantos

MANILA, Philippines — Determinado ang Philippine National Police (PNP) na hulihin nang buhay ang mga drug personalities o mga ‘tulak’ at users ng droga  kaugnay ng muli nilang pagbabalik sa anti-drug campaign.

 Ito ang inihayag kahapon ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos matapos na bigyan muli ng go signal o ikatlong pagkakataon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP na muling bumalik sa giyera kontra droga.

“The order of PNP Chief Director Gene­ral Ronald “Bato” Dela Rosa, is to take all ne­cessary precautionary measure to ensure  na less bloody, mahuhuli ng buhay ang mga sus­pects” pahayag ni Carlos.

Ayon kay Carlos ang direktiba ni dela Rosa ay maging maingat na ang kapulisan sa drug war upang hindi na magkaroon ng bulilyaso sa mga operasyon.

Samantalang gagamit rin ng body came­ras ang PNP sa pagbabalik muli nito sa giyera kontra droga upang magkaroon ng ‘transparency’ sa mga isinasagawang operasyon.

Nilinaw naman ni Carlos na hindi lahat ng 175,000 personnels ng PNP ay awtorisadong magsagawa ng anti-illegal drugs operation at tanging ang mga operatiba lamang ng PNP-Drug Enforcement Group (PNP-DEG), gayundin ang mga piling drug enforcement units mula sa Regional at Provincial Police Offices.

Binigyang diin ng opisyal na bagaman  magbabalik drug war na ang PNP ay suporta lamang ito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang lead agency.

Magugunita na unang ipinahinto ni Pa­ngulong Duterte ang drug war sa PNP matapos masangkot sa ilang kontrobersiya sa operasyon.

comments powered by Disqus

mofuse.com