Dennis hirap sa pagbubuhat kay Jennylyn sa gym

ABOUT SHOWBIZ By Nitz Miralles

Nakakatuwa ang IG story ni Jennylyn Mercado na nasa gym at hirap na hirap mag-push up. Maniniwala na sana ang nakakita ng video na talagang hirap ang aktres sa kanyang ginagawa, kung hindi lang lumitaw si Dennis Trillo na buhat pala si Jennylyn. Sa expression ni Dennis, siya ang hirap buhatin ang girlfriend.

Ang caption ni Jennylyn sa IG story ay “nakikita yung nasa baba” at may comment pa ang aktres na “wag kayong ano kunwari nalang di niyo nakikita yung nasa baba.”

Hindi ‘yun ang first time na nakitang magkasama sa gym at pagwu-wokout sina Dennis at Jennylyn, part ‘yun ng bonding nila at mas nagpapatatag sa kanilang relasyon, lalo’t busy sila sa kani-kanyang projects.

Si Jennylyn, tinaatapos ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Quantum Films na All Of You at may movie pa siya sa Reality Entertainment bago bumalik sa telebisyon..

Si Dennis naman ay magsisimula nang mag-taping ng The One That Got Away kasama sina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos.

Kilala si Dennis na iniiba ang ayos ng buhok, kilos at pananalita para itugma sa kanyang karakter. Hintayin natin kung paano niya aatakihin ang karakter niya sa serye bilangLiam.

Ruru may bitbit na mystery girl nang maki-party!

Sino nga kaya ang misteryosang babae na ka­sa­ma ni Ruru Madrid na dumalo sa party ni Andrew Real na head scriptwriter ng Sunday Pi­na­Saya? Pinag-iisip nito ang GabRu fans nila ni Gabbi Garcia kung sino ang kasama at kung isa ba ito kina Arra San Agustin at Miss Eco Philippines Cynthia Thomalla.

Anyway, tuluy-tuloy ang taping ni Ruru ng Alyas Robin Hood 2 kaya hindi pa siya makapagpagupit. Sa October 25, naka-schedule siyang mag-shooting sa MMFF entry na Meant To Beh dahil special participation ang labas niya sa movie as Gabbi’s partner.

Speaking of Gabbi, bukas na ang release ng self-produced single niyang All I Need. Sila-sila rin sa tulong ni Khalil Ramos ang director ng music video at co-producer naman si Christian Bautista. Ang GMA Records ang magdi-distribute ng single.

Dinaig ang ama binata ni Jericho nagpakita na rin ng katawan

Nag-like at nag-comment si Je­richo Rosales sa picture ng anak na si Santino Rosales na rumampa sa Manila Fashion Festival. Mukhang ina­antok si Santino sa picture, kaya nag-comment si Jericho ng “Liking the no sleep look. Now get some sleep you hardworker.”

Puwedeng-pwedeng mag-artista si Santino, guwapo, matangkad at may ‘X” factor pero ang maging model, cover boy at football player ang hilig nito. Si Santino ang cover ng October issue ng Garage magazine kung saan basa ang binata at kita ang magandang katawan nito.

Nag-react si Jericho at ang unang tanong ay “Huy ano ito???” at “Di ka ba gi­ninaw?” sinagot ni Santino ng “it was cold HAHA.” Kinan­tyawan din si Jericho na talo siya ni Santino.

Fans nina Elmo at Julie Anne buhay pa

Sa January 27, 2018 pa ang concert ni Julie Anne San Jose sa Music Museum, pero inilabas na ang ticket sa concert billed #Julie na ang stage director  ay si Marvin Caldito.

Naisip lang namin, total pina-follow pa rin ni Elmo Magalona sa Instagram (IG) si Julie, posible kayang kuning guest sa concert ni Julie ang former love team na talent na ng ABS-CBN? Maiintindihan naman sigu­ro nina Benjamin Alves na BF ni Julie at Janella Salvador na ka-love team ngayon ni Elmo kung mang­yayari ito.

Ang alam namin, marami pa ring fans sina Julie Anne at Elmo at sobra silang matutuwa ‘pag nag-guest si Elmo sa concert. 

 

comments powered by Disqus

mofuse.com