Martin lalarga pa-Hawaii, #paMORE malabong magka-second night!

ABOUT SHOWBIZ By Nitz Miralles

image

Martin

Gustuhin man nina Anna Puno ng Starmedia En­­ter­tainment at Cacai Mi­tra ng I-Music Entertainment, pro­ducers ng February 10, #paMORE na magkaroon ng se­cond night ang concert ay hindi pupuwede. Sabi ni Martin Nie­vera sa presscon, the next day after the concert sa SM MOA Arena ay lilipad siya pa-Hawaii para sa series of concerts niya roon.

Hindi naman puwede na kung sakaling magkaroon ng se­cond night ang concert ay “#paORE na lang ang title dahil wala si Martin. Ang ibig kasing sabihin ng MORE ay M-Martin,  O-Ogie Alcasid,  R-Regine Velasquez at E-Erik Santos.

Sa Feb. 14-16 ang show ni Martin sa Blue Note sa Honolulu at si Martin ang first Pinoy singer na magpi-perform sa nasabing venue.

Wala pang repertoire na nabanggit sina Martin sa presscon ng #paMORE , pero nagsimula na ang rehearsal nila.

Kasama pala ni Martin sa presscon ang anak na si Santino na napaka-sweet at ‘pag ipinakikilala ni Martin ay yumayakap ng mahigpit.

Dennis gamay na si Lovi

Pansin sa trailer ng The One That Got Away ang napakanatural na ba­tuhan ng linya nina Dennis Trillo at Lovi Poe. Lalo na ‘yung pinag-uusapan nila kung sino ang unang naki­pag-break at ang pagiging selosa ni Alex (Lovi).

Siguro dahil nagkasama na sila sa movie na My Neighbor’s Wife at mag-asawa pa ang role. Si Rhian Ramos naman ay nakasama na ni Dennis sa Magpakailanman at movie na ITALY. Si Max Collins ay ngayon pa lang nakatrabaho ni Dennis

Sa pilot episode, may eksenang naka-wedding gown si Lovi at naka-suit si Dennis at parang ikakasal. Mapapanood ito sa Monday, January 15.

Samantala, pangungunahan nina Dennis at Lovi ang cast ng TOTGA  sa mall show bukas sa Ro­binsons Novaliches, 5 p.m. Makakasama nila sina Ervic Vijandre, Ayra Mariano, Dea Formilleza, Ivan Dorschner, Migo Adecer, at Nar Cabico.

Klea dalawang taon paghahandaan ang Bb. Pilipinas

Walang epekto kay Klea Pineda ang pabirong pang-iintriga ng press people na mas nauna pang ma-launch si Mikee Quintos sa kanya sa Sirkus gayung siya ang Female winner ng StarStruck 6.

Sina Mikee at Mikoy Morales ang pinakabida sa Sirkus at si Klea ay second lead.

Gagampanan ni Klea ang role ni Selfira. Nagtitiwala siya sa GMA 7 at naniniwalang alam nila kung ano ang babagay na project at role sa kanya.

Malaking bagay at challenge kay Klea na maka­trabaho si Cherie Gil na noong una ay hindi niya matingnan sa mga mata dahil naiilang siya.

Pinaghahandaan na rin ni Klea ang training para sumali sa Bb. Pilipinas ‘pag 21 years old na siya. She’s 19 years old now, may two years pa siya to train and to prepare.

comments powered by Disqus

mofuse.com