Celine babawi sa Pinoy fans

RATED A By Aster Amoyo

image

Four years ago ay natakda sanang mag-concert sa Pilipinas ang Canadian hitmaker-performer na si Celine Dion pero ito’y nakansela nang magkasakit ang kanyang mister na si Rene Angeli and eventually ay sumakabilang-buhay at age 73.

Ang mister ni Celine ay dating singer, musical producer at talent manager at siyang tumayong manager niya sa mahabang panahon.

Twelve years old pa lamang noon si Celine nang siya’y magpadala ng demo tape kay Rene Angeli and was asked to audition and eventually ay siya na ang nag-manage sa singing career nito.

Taong 1981 nang isanla ni Rene ang kanyang bahay sa Quebec para mai-produce ng album si Celine. In 1988 ay nagsimula nang magkaroon ng relasyon ang dalawa at nung December 17, 1994 ay ikinasal ang dalawa sa pama­magitan ng isang grand wedding na ginanap sa Notre Dame. Celine was 20 at 46 naman si Rene Angeli.

Sa tulong ng in vitro fertilization, isinilang ni Celine ang kanilang first baby na si Rene-Charles Angeli nung January 25, 2001. Nagka-miscarriage siya in 2009 at muling nabuntis sa kanyang twin boys na sina Eddie at Nelon na isinilang nung October 23, 2010. 

Taong 1991 nang magkaroon ng heart attack ang mister ni Celine na si Rene at nung 2009 ay nag-diagnose ito ng throat cancer.  

Humingi si Celine ng dispensa sa kanyang Filipino fans sa pagkakakansela ng kanyang concert sa Pilipinas nung 2014 pero nangako siyang babawi sa kanyang one-night concert sa SM MOA Arena on July 19, 2018.

Ang concert tickets ni Celine ay magsisimulang mabili sa ticketnet sa halagang P35,380, P32,210, P19,540, P16,370, P7,920 at P2,640.

Looking forward naman ang Filipino fans ni Celine na kakantahin nito ang kanyang classic hits tulad ng My Heart Will Go On, The Power of Love, Because You Loved Me, All By Myself,” Beauty and the Beast, I’m Alive, A New Day Has Come, It’s All Coming Back To Me, That’s The Way It Is, I Surrender, Tell Him, To Love You More, I’m Your Angel, Immortality, I Drove All Night, Goodbye, When I Need You, When I Fall In Love, Love Doesn’t Ask Why” at iba pa.

 Claudine dapat magpapayat sa balik-tambalan nila ni Mark Anthony

Mukhang ang Viva Films ni Boss Vic del Rosario, Jr. ang susugal sa balik-tambalan ng dating magkasintahan at magka-loveteam na sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez.

Last December 22, 2017 ay nakalaya na si Mark sa pagkakakulong sa Pampanga Provincial Jail  na umabot ng mahigit isang taon dahil siya’y nahulihan ng isang kilo ng marijuana sa kanyang sasakyan.

Pero sana bago simulan ang balik-tambalan nina Claudine at Mark ay magpapayat muna si Claudine na kahit mataba ay napakaganda pa rin ng mukha.

comments powered by Disqus

mofuse.com