Prescious Lara hindi sinunod ang bilin ng doktor!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! By Boy Abunda

image

Marco at Precious

Kamakailan ay nakumpirma ang pag­dadalang-taong muli ni Precious Lara Quigaman. Panga­lawang anak na ito nina Precious Lara at Marco Alcaraz. Ma­­­­g-aanim na taon na ang panganay na si Noah kaya babae naman daw ang gustong ma­ging anak ng mag-asawa ngayon. “We’re hoping for a healthy baby girl para quota na ako. Pero kung ano man ang gender, blessing naman ‘yon. Kaya kung boy or girl man, kung ano ang binigay ni Lord, tatanggapin natin,” nakangiting pahayag ni Marco.

Ayon sa aktor ay pinayuhan umano ng duktor si Precious Lara na magpahinga muna sa trabaho dahil sa pagbubuntis nito. “No’ng nalaman ng doctor na buntis siya, ang advice is bed rest. Kasi parang may konting hemorrhage. Pero siyempre hindi din siya makatanggi sa work kasi may taping kaya binigyan na lang siya ng medication, pero okay pa naman,” pagbabahagi ng aktor.

Gabi-gabing napapanood si Precious Lara sa teleseryeng Bagani na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ayon kay Marco ay talagang kagustuhan daw ng aktres na ipagpatuloy ang taping para sa serye kaya sinusuportahan na lamang niya ang asawa. “Daddy duty muna ako for now. Timing din natapos ang show ko. Si Lara ang may work. At least may time ako for my family,” pagtatapos ng aktor.

Joross may nadiskubreng kakaibang sakit ng lalaki

Sa kauna-unahang pagkakataon ay masusubukan ni Joross Gamboa ang pagsusulat ng isang script sa pelikula na siya rin mismo ang magiging direktor. Nakatakdang gawin ng aktor ang Allergy in Love para sa digital platform ng ABS-CBN.

Kakaiba ang kwento ng nasabing proyekto dahil tungkol ito sa lalaking nagkakaroon ng arousal problem. “Merong gano’ng sakit ng lalaki sa totoong buhay. May pelvic pain kapag na-arouse. Kaya walang sex life, iiwasan niya lahat. Hindi rin siya nagre-release. Ang sakit daw no’n, parang may sakit ka sa bato, gano’n ‘yung tama. Nasa loob ‘yung masakit kapag tumitigas ‘yung ano niya. Sa research namin, parang nakakulong daw sila emotionally. Tapos nasa early 20’s sila, ang babata pa. medyo seryoso ‘yung topic pero sinulat ko siya na parang comedy para hindi mabigat,” pagdedetalye ni Joross.

Nagpapasalamat ang aktor dahil hindi niya naranasang magkaroon ng nasabing kondisyon ng mga kalalakihan. “Madali pa naman akong nate-turn on pero sa asawa ko na lang. Ibang-iba no’ng nasa early 20’s pa ako, the height ‘yon ng libido. Kahit makakita lang ako ng pinutan, nate-turn on ako, gano’n ako katindi,” pabirong pahayag ng aktor. “Actually scientifically yes. Pero siyempre nate-turn on ka pa rin. Saka siguro kasi iba na ‘yung iniisip mo, mas iba na ‘yung priorities mo sa buhay. ‘Pag bata ka kasi para ka lang kuneho. Ngayon parang iba na ‘yung iniisip mo,” dagdag pa niya.

comments powered by Disqus

mofuse.com