Paulo painting ang TF sa Larawan! ; Atak haharapin sa korte ang minanyak daw na bellboy

PIK PAK BOOM By Sol Gorgonio

PIK: Proud ang Buhay Party-list representative na si Cong. Lito Atienza sa drama anthology niyang Maynila na sunud-sunod na nakakatanggap ngayon ng parangal.

Tinanggap nila ang recognition mula sa Star Awards for TV bilang longest running drama anthology, at Special Citation mula sa Catholic Mass Media Awards sa kategoryang Drama Program.

Labinsiyam na taon nang namama­yag­pag sa ere ang Maynila at sa susunod na taon ay kailangang paghandaan na raw nila ang malaking selebrasyon ng kanilang 20th anniversary.

Pangako ni Cong. Atienza at ng Executive Producer nitong si Ms. Lei Atienza-Valdepenas na patuloy silang magbibigay ng mas magandang kuwento, positive at nagbibigay ng magandang values sa mga manonood.

Mas maingat daw ngayon si Lei sa pagpili ng mga kuwentong ilalahad, na puno ng twists at hindi ‘yung predictable na.

PAK: Sabi ni Paulo Avelino, isang pain­ting daw ang talent fee niya sa pelikulang Ang Larawan dahil gustung-gusto niya talagang gawin ito.

Sabi ng manager niyang si Leo Dominguez, talagang nag-adjust daw sila sa talent fee dahil dream project pala ito ng Kapamil­ya actor.

Hindi raw niya alam kung kaninong painting ang ibinigay, pero part nga raw ito sa TF.

Hindi naman nagkamali si Paulo dahil maganda ang kinalabasan ng pelikula at magaling siya rito at nakipagsabayan din sa kantahan kina Joanna Ampil at Rachel Alejandro.

“I felt it was too early to do a musical, pero sinabihan ako ng manager ko to audition. Sinuwerte naman ako,” pakli ni Paulo.

Mabuti at naitawid naman daw niya ang mga kanta niya kahit masusing binantayan ito nang husto ng isa sa mga producer na si Celeste Legaspi.

“Kailangan kasi, pitch perfect. Si Ms. Celeste Legaspi (isa sa mga producer), alam agad niya pag wala sa pitch eh.

“Salamat at naitawid ko naman,” sabi pa ng Kapamilya actor.

Natuwa lang siya dahil nag-swak naman ‘yung magdamagan niyang taping na diretso sa shooting dahil may mga eksena siyang la­sing, puyat at nasa mukha niyang ngarag.

“Totoo dun yung lalim ng eyebags ko,” natata­wang kuwento ni Paulo.

BOOM: Ngayong araw maghaharap sa korte ang komedyanteng si Atak at si Mark Christian Macavinta, ang bellboy ng Okada Manila na nagsampa ng reklamong Acts of Lasciviousness laban sa kanya.

Sa Branch 78 ng Parañaque MTC ang arraignment na malamang magpi-plea si Atak ng “Not Guilty”.

Wala pang sinasabi si Atak kung ano ang susunod niyang hakbang dahil haharap pa lang siya sa arraignment.

Wala pa siyang sagot sa amin kung maghahain din ba siya ng kaso laban sa bellboy o baka sa security ng Okada.

Ang sabi lang ng abugado niyang si Atty. Maggie Abraham, maglalabas daw sila ng official statement pagkatapos ng hearing.

comments powered by Disqus

mofuse.com