Alex hindi pressured sa pelikula

RATED A By Aster Amoyo

First movie ng bagong box-office star na si Alessandra de Rossi ang 12 after her and Empoy Marquez’ blockbuster hit movie na Kita Kita under Spring Films and Viva Films. Ang 12 ay isang kakaibang love story na isinulat mismo ni Alex at pinagtatambalan nila ng aktor na si Ivan Padilla na idinirek ni Dondon Santos under Viva Films.

“I’m thankful to Boss Vic (del Rosario) na sinugalan niya itong movie namin ni Ivan,” pahayag ni Alex.

Hindi ba naman napi-pressure si Alex sa kalalabasan ng 12 considering na kagagaling lamang niya sa mega hit movie na Kita Kita na idinirek ni Sigrid Bernardo?

“Magkaiba ang material ng Kita Kita at 12,” aniya.

“Sana magustuhan din ng mga manonood ang movie namin ni Ivan dahil kakaiba itong love story,” patuloy ng award-winning actress na malapit nang mapanood sa isang teleserye ng Kapamilya Network kasama sina Piolo Pascual, Empoy Marquez at iba pa.

Ang 12 ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan on Novembr 8, 2017.

Pamilya ni Nadine nagpapasalamat

Nagluluksa ngayon ang pamilya ni Nadine Lustre sa pagkamatay ng nakababatang kapatid nitong tinedyer na si Isaiah Lustre (16) na sinasabing nagbaril sa sarili sa loob ng kanyang kuwarto nung nakaraang Sabado, October 7.

Ang dalawa pang mga kapatid ni Nadine na sina Eze­kiel at Naomie ang nakarinig sa dalawang magkasunod na putok sa kuwarto ni Isaiah na agad nilang pinuntahan at agad isinugod sa pinakamalapit na pagamutan pero wala na itong buhay.

Walang ideya ang pamilya ni Nadine kung bakit ito nagawa ng kanyang nakababatang kapatid dahil wala umano silang alam na may problema ito.

Nagpapasalamat ang pamilya ni Nadine sa prayers, suporta at pakikiramay ng marami sa pagluluksa ngayon ng pamilyang iniwan ni Isaiah.

Empoy masaya ang mukha

Pinag-uusapan ngayon ang total facial enhancement ni Marlou Arizala na may bago nang screen name na Xander Ford at nang tanungin ang tinaguriang `The New Pogi’ at bagong box-office star na si Empoy Marquez kung may plano siyang magparetoke sa kanyang mukha sinabi ng The Barker lead star na wala umano siyang balak dahil ito ang bigay sa kanya ng Diyos at dito siya nakilala ng lahat. 

“Masaya po ako kung ano ang ibinigay sa akin ng Diyos,” aniya.

 “Wala po akong balak na baguhin kung anuman meron ako ngayon,” dugtong pa niya.

Nag-pay off din ang matagal na pagtitiyaga at paghihintay ni Empoy dahil unti-unti na niyang nararanasan ngayon ang pagbabago ng takbo ng kanyang buhay at ng kaniyang pamilya.

comments powered by Disqus

mofuse.com