Maynila mas bumongga nang ipamana ni Lito Atienza sa anak

TAKE IT TAKE IT By Lolit Solis

Invited ako kahapon sa special preview ng Larawan sa Greenhills Promenade Cinema pero hindi ako nagpunta dahil kasabay nito ang Christmas party for the entertainment press ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza.

Alam ng lahat na favorite ko si Papa Lito kaya dedma ako sa mga imbitasyon kapag may conflict sa schedule ng pagkikita namin.

As usual, trapik kahapon sa Metro Manila bilang panahon na ng Kapaskuhan kaya understandable na na-late ang arrival ni Papa Lito.

Hindi nainip ang entertainment press sa paghihintay kay Papa Lito dahil may advance party siya, ang kanyang trusted assistant na si Eric Cham at ang anak niya na si Lei Atienza-Valdepenas, ang producer ng weekly drama anthology na napapanood sa GMA 7.

Ipinamana na ni Papa Lito kay Lei ang pamamahala sa Maynila at perfect choice ang kanyang anak dahil may nalalaman ito sa showbiz. Former member si Lei ng Star Circle ng ABS-CBN pero sandali lamang ang showbiz career niya. Happily-married na si Lei na bukod sa successful television producer, successful wife and mother sa kanyang tatlong anak. Sunud-sunod ang mga parangal na natanggap ng Maynila at lalong bumongga ang rating nito mula nang si Lei ang mamahala kaya tuwang-tuwa si Papa Lito. Tatlo na ang anak ni Lei pero nababalanse niya ang oras kaya may panahon siya para sa Maynila.

Las Casas Filipinas de Acuzar endorser si Cong. Atienza

Daughter-in-law ni Papa Lito si Jet Acuzar na asawa ng kanyang anak na si Ali. Bale balae ni Papa Lito ang may-ari ng Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac, Bataan. Gandang-ganda si Papa Lito sa Las Casas Filipinas de Acuzar kaya iniimbitahan niya ako at ang ibang mga reporter na magbakasyon sa isa sa mga tourist attraction sa Pilipinas. Parang endorser si Papa Lito ng Las Casas Filipinas de Acuzar na highly-recommended niya sa lahat ng mga tao na kanyang nakakausap.

Tumutulong si Papa Lito sa pagpo-promote sa Las Casas Filipinas de Acuzar dahil dito kinukunan ang ilang eksena ng mga episode ng Maynila. Sa kagustuhan ni Papa Lito na mapuntahan ng entertainment press ang lugar na kanyang ipinagmamalaki, nagpa-raffle siya ng walong overnight star sa Las Casas Filipinas de Acuzar at sagot niya ang lahat ng gastos. Sosyal ‘di ba?

Jane nagpahintay, walang paki sa oras ng iba

Naloka ako nang dumalo sa ako sa presscon ng Haunted Forest noong Miyerkules dahil hinintay pa ang pagdating ni Jane Oineza, isa sa mga bida sa official entry ng Regal Multimedia, Inc. sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF). Alas-kuwatro nang hapon ang presscon na ipinatawag ni Mother Lily Monteverde pero past 5 p.m. na nang magsimula dahil hinintay pa ang pagdating ni Jane. Nandoon na ang ibang mga artista at direktor pero missing in action si Jane. Sana sa mga ganitong okasyon, alam ng mga artista na importante ang oras, na hindi sa kanila lang umiikot ang mundo ng mga tao. Ang nakakainis pa, may nagtatanong, sino ang hinihintay? Si Jane Oineza raw, sino ‘yon?

Nakakainis ‘di ba? Mabuti sana kung big star ang hinihintay, parang may konting karapatan na ma-late. Hindi na katanggap-tanggap ang dahilan na matrapik sa Metro Manila dahil sa araw-araw na ginawa ni God, trapik talaga everywhere. Kung alam mo na overacting ang traffic situation, maaga ka na umalis ng bahay para hindi mahuli sa appointment.

Anyway, gusto ko na kumita ang Haunted Forest, alang-alang sa pagmamahal ko kay Mother at sa kanyang anak na si Roselle. Knows n’yo naman si Mother, parang bata na maligayang-maligaya kapag may movie siya na kasali sa Metro Manila Film Festival.

comments powered by Disqus

mofuse.com