Ibang level na, John Lloyd inaral pati ang salita ni Ellen

ABOUT SHOWBIZ By Nitz Miralles

Nakakatuwa na marunong nang mag-Cebuano si John Lloyd Cruz dahil sa girlfriend niyang si Ellen Adarna. Nabasa namin ang isang post ng actor sa Instagram (IG) na “Na Ana mi dinhi yayame and jessame may tag ok ramo dinha” na ang ibig sabihin sa Tagalog ay “nandito ako yayame at jessame at okay kayo diyan.”

Aabangan naming marinig si John Lloyd na nagsasalita na talaga ng Cebuano.

Sa isa namang post ni Ellen ng picture niya na kuha ni John Lloyd, sabi ni Ellen patungkol kay John Lloyd, “My photogtapher.” Tinanong siya ng isang kaibigan ng “photographer only?” na sinagot ni Ellen ng “and bloggerjowa hahahaha.”

Ang daming kinilig sa sagot na ito ni Ellen dahil confirmation daw ito ng relasyon nila ni John Lloyd.

In all fairness, sa post na ito ni Ellen, walang nag-nega, lahat masaya para sa dalawa.

Benjamin ayaw ibunyag ang ‘secret’ ni Janine

Si Benjamin Alves ang leading man ni Bb. Pilipinas-Universe 2017 Maxine Medina sa Spirit of The Glass 2: The Haunted na showing na sa November 1. First movie ni Maxine ang horror film sa direction ni Joey Reyes.

Sa poster ng movie, nasa gitna ang picture ni Janine Gutierrez at kakaiba ang make-up, ang sabi ni Benjamin, may malaking part sa movie ang aktres pero ayaw lang nitong mag-spoiler kaya secret muna ang role nito.

Kinumusta namin kay Benjamin ang GF niyang si Julie Anne San Jose at ibinalita nga nitong guest ang GF sa concert ni Regine Velasquez na R3.0. 

Samantala, habang wala pang regular soap, naggi-guest muna ito sa shows ng GMA 7 si Benjamin, isa na rito ang All-Star Videoke. Bitin lang ang guesting nito dahil maaga siyang natsugi since mahina siya sa lyrics ng songs.

Ruru basted agad sa beauty queen?!

Nagka-mental block kami habang ini-interview si Miss Eco Philippines Cynthia Thomalla. May naalala kaming isyu sa kanya pero hindi namin ito ma-pinpoint. Kaya natapos ang interview sa contract signing niya with the other Miss World Philippines winners sa Regal Entertainment, nang hindi namin naitanong ang isyu.

Nakauwi na kami nang maalala ang isyung nakita raw sina Cynthia at Ruru Madrid na nagdi-date sa isang mall. Pero sabi ni Cynthia sa interview, walang nanliligaw sa kanya at wala siyang boyfriend dahil wala itong time magka-love life. Hindi kaya isa kina Sohpia Senoron na winner ng Miss Multinational, Glyssa Leiann Perez na First Princess, at Zhanietha Jimenez na second Princess ang naka-date ni Ruru?

Honored maging isa sa Regal Millennial Baby si Cynthia at dahil nabigyan ng opportunity na makapasok sa showbiz at magbida sa Palibhasa Babae,  she’ll give it a try muna bago ituloy ang plano na mag-enroll ng Culinary Studies.

Cooking show ni Juday raratsada na

This Friday, October 13, 10:30 a.m., na ang pilot ng cooking show ni Judy Ann Santos na Judy Ann’s Kitchen na mapapanood sa Facebook. Marami na ang nag-aabang sa cooking show ng aktres na gustong matutunan ang masasarap na dishes na kanyang inihahanda sa kanyang pamilya.

Kasama sa sinabing team ni Judy Ann ang anak na si Yohan na in charge sa blue ref. Ang inaanak na si Jong at team nito ang in charge sa design ng kanyang launch pad. Pati make-up artist, may in charge sa staff meal at mga anak na sina Lucho at Luna ang kanyang food critics.

comments powered by Disqus

mofuse.com