Jovit lulong daw sa sabong!

RATED A By Aster Amoyo

In hot water ngayon ang unang grand winner ng Pilipinas Got Talent na si Jovit Baldivino dahil sa akusasyon laban sa kanya ng kanyang fan-turned girlfriend at ina ng kanyang anak na si Akeya na si Shara Chavez. Hiwalay na si Shara kay Jovit na may ibang girlfriend diumano.

Sinabi rin ni Shara na bukod sa pagiging iresponsable ni Jovit na never umanong tumulong sa pangangailangan ng kanilang anak na si Akeya, lulong daw sa sabong ang singer.

Kung totoo ang mga akusasyon ni Shara kay Jovit, dapat na sigurong mag-isip-isip ang singer lalo na sa pagsusugal nito ng sabong bago pa maging huli ang lahat.

Nakalimutan na marahil ni Jovit ang hirap na kanyang pinag­daanan bago siya nanalo sa Pilipinas Got Talent.  Na-overwhelmed marahil ang singer sa laki ng perang kanyang napa­nalunan at sa mga kinikita niya sa mga singing engagements na bigay sa kanya ng Kapamilya Net­work. Hindi marahil naiisip ni Jovit na ang lahat ng bagay dito sa mundo ay may katapusan lalo na kung hindi siya marunong mag-alaga sa mga biyaya na ibinigay sa kanya ng Diyos.

Karel hindi nagpahuli sa mga celebrity preggy

Tuloy ang baby boom sa taong ito. 

Matapos magsilang ng kanilang second baby sa kanilang respective husbands sina Melai Cantiveros at Pia Guanio, ang iba pang female celebrities na nagdadalang-tao ngayon ay sina LJ Moreno, Bangs Garcia, Pauleen Luna-Sotto, Michelle Madrigal, at Pokwang, ang isa pang buntis ngayon ay ang singer-actress na si Karel Marquez courtesy of her husband na si Sean Farinas.

Si Karel ay anak ng estranged couple na sina Pinky Marquez at Dr. Eduardo Santos. Ang ipinagbubuntis ngayon ng actress ay magiging pangatlong anak na niya dahil may dalawa siyang anak sa kanyang dating nakarelasyon na si Armand de Guzman, sina Kyler (8) at Kaylie (7).

Si Karel ang nag-initiate sa hiwalayan nila ni Armand in 2012 dahil siya lamang umano ang nagtatrabaho at marami pa ang ipinagbabawal sa kanya ng dati niyang partner. Hindi kasal si Karel sa dati niyang karelasyon. Ikinasal naman si Karel sa kanyang husband ngayon na si Sean last December 2016.

Pokwang and Karel are due to give birthday in February 2018.

Luis binabantayan sa alok na kasal kay Jessy

Marami ang nag-i-expect na si Luis Manzano na umano ang susunod na magpu-propose sa kanyang 24-year-old girlfriend na si Jessy Mendiola.

Kamakailan lamang ay nasa bansa ang estranged Lebanese-British dad ni Jessy na nakilala pa mismo ni Luis.

Kung si Jessy ay tanggap ng pamilya ni Luis, mukhang wala namang problema si Luis sa side ng aktres na engagement at kasal na lamang ang kulang.

comments powered by Disqus

mofuse.com