Lovi pinatunayang anak ni FPJ nang manampal!

PIK PAK BOOM By Sol Gorgonio

image

Lovi

PIK: Ang lakas ng dating ng pelikulang The Greatest Showman sa karamihang artista dahil nakaka-relate sila sa mensaheng gustong iparating ng pelikula. Sabi ni Ogie Alcasid, ang pumasok daw sa isipan niya pagkatapos panoorin ang pelikula ay kahit gaano ka man ka-successful, dapat may pamilya ka pa ring uuwian.

 “At the end of the day, mawala man ‘tong career mo, if you don’t have your family, I don’t think you’ll be able to be a complete person,” share ni Ogie sa presscon ng Valentine concert nilang #paMORE sa February 10 na gaganapin sa SM MOA Arena.

Sobrang gandang-ganda sila sa mga kanta, at type raw kantahin ni Regine Velasquez sa concert nila ang isa sa mga kanta sa pelikula na bagay sa mga diva.

PAK: Sabi ni direk Joel Lamangan, sa much-publicized na sampalan scene nina Lovi Poe at Erich Gonzales sa The Significant Other daw niya nakita na anak talaga ni Fernando Poe, Jr. ang primera actress.

Ang bilin kasi ni direk Joel, ayaw niya ng fake na sampal. Napalakas ang sampal ni Erich na tumama sa hikaw ni Lovi kaya dumugo ang kamay nito. Pero gumanti naman si Lovi ng magkakasunod na sampal na parang rumerepekeng suntok ng nasirang ama.

“Na-shock ako! Anak nga siya ni FPJ! Lumabas ang dugo ni FPJ kay Virginia Poe! Napalakas ang sampal,” bulalas ni direk Joel.

“Sabi ko naman kasi sa kanila, ayoko ng fake. Kapag fake kasi na sampal, halatang-halata. Eh napalakas pala.

“Natigil sandali ang shoot. Si Erich exit bigla, si Lovi exit din sa kabila. Ay ano to! Hindi dapat ma-pack-up ang shooting, ang daming taong involved,” patuloy na kuwento ni direk Joel.

Kaagad naman daw silang pinag-ayos, nagkabati at ni-resume ang shooting.

Pero ang isa pang naloka ay si Tom Rodriguez na nakatikim din ng magkakasunod na sampal mula kina Erich at Lovi.

 “Bilib ako sa mga babaeng ‘yan! Ang liliit nila, pero ang lakas ng mga sampal!” sabi naman ni Tom.

Hindi lang daw sila ang nagsampalan sa pelikulang ito, kundi pati mga vete­rans actresses na sina Dina Bonnevie at Snooky Serna na sanay naman daw sa sampalan, kaya na-handle nang maayos.           

Sa February 21 na ang showing ng The Significant Other na sana raw huwag naman ma-X ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

BOOM: Naglabasan ang blind item ng paghahabol ng mga pamangkin ng mayamang producer na nag-produce ng isa sa big hit historical film. Mahirap patulan ang kuwentong ito dahil tahimik lang itong producer sa isyu ng kanyang pamilya.

Ang mga pamangkin na naghahabol ang naki­pag-usap sa ilang reporters na siyang nagpakalat ng kuwento. Ayon sa ilang reliable sources na napagtanungan namin, ayaw na raw magsa­lita ng producer, lalo na’t kaso ito ng pamilya at merong tinatawag na ‘Privacy Law’.

Kaya mahirap palakihin ang isyu lalo na’t wala namang nagsasalita sa kanila. Ang latest na narinig namin, magpa-file na raw ng bankruptcy ang producer kaya ewan ko kung saan hahatong ang kaso ng pamilya.

Ang mas inaalala namin ay ang isa pang malaking historical film na ginagawa nila, at ewan ko kung tapos na ito.

Bida ang kilalang Kapamilya actor sa pelikulang ito na kung ganung may problema ang producer, at kung totoong bankrupt na nga, paano pa ito matatapos?

Hay masalimuot!

comments powered by Disqus

mofuse.com