Anak ni Jennylyn, hindi malapit sa magiging kapatid kay Dennis!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! By Boy Abunda

Nanatiling magkaibigan ang dating magkasintahan na sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. May sarili nang pamilya ang aktor at nasa poder ni Jennylyn ang anak nilang si Alex Jazz.

Maganda rin ang pakikitungo sa isa’t isa ng aktres at ng asawa ni Patrick na si Nikka Garcia. “Si Nikka, very supportive sa anak namin ni Patrick. Parang silang dalawa ni Patrick ‘yung tatay. So masaya ako na very open si Nikka, tapos very understanding. Napakabait eh,” bungad ni Jennylyn.

Dalawa na ang anak nina Patrick at Nikka na malapit din kay Alex Jazz. “Kasi every time na dadalaw sila sa bahay kasama ang mga bata, kumpleto sila,” giit ni Jennylyn.

Si Dennis Trillo ang kasintahan ngayon ng aktres at maganda rin ang relasyon ng aktor sa anak nina Jennylyn at Patrick. “Oo naman, close naman sila. ‘Pag pumupunta si Dennis sa bahay, naglalaro sila, ganyan,” kuwento ng aktres.

May anak si Dennis Trillo kay Carlene Aguilar pero hindi raw ito malapit sa anak ni Jennylyn at Patrick. “Bihira po kaming magkita eh. Usually kapag may mga okasyon, birthday, Pasko, New Year, Father’s Day, Mother’s Day. ‘Yung mga okasyon na nagkikita-kita kami,” makahulugang pahayag ni Jennylyn.

Samantala, katambal ng aktres si Derek Ramsay sa pelikulang All Of You  na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Nailang daw ang aktres dahil sa rami ng maseselang eksena nila ni Derek. “Kasi medyo matagal din kaming hindi nagkita. Tapos this time iba naman ‘yung atake na kailangan namin. Ngayon medyo mabigat na ‘yung mga eksena. Ang daming love scenes, so hindi ako ready,” natatawang pahayag ni Jennylyn.

“In fairness naman kay Derek, napakaingat niya po at saka napaka-gentleman niya. Pagdating sa mga gano’ng klaseng eksena, talagang pinoprotekthan niya ako,” dagdag pa ng aktres.

Jessa at Dingdong sinama ang utak sa paghahanda ng anniversary concert

Bukas na gaganapin sa Resorts World Manila ang anniversary concert nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na may titulong 20/30.

Sobrang pinaghandaan daw ng mag-asawa ang espes­yal na show na ito. “Siyempre kailangan vocally and physically prepared ka. At saka when you prepare for it, it’s not just the voice, you have to condition yourself, ‘yung stamina. Kasi two-hour concert, mahirap talaga,” nakangiting pahayag ni Dingdong.

Sobrang tinutukan ng mag-asawa ang lahat ng preparasyon sa nasabing concert upang mas mapaganda pa ito at hindi sila mapahiya sa mga tagahanga. “Major concert ‘yon, hindi ka lang nakatayo diyan. Ang dami mong ginagawa, ang daming nangyayari sa stage. We are involved sa creative process of the whole show na talagang ‘yung utak mo ay pipigain mo. You are trying to visualize ano ang nangyayari sa show. Saka ‘yung physical preparation of course si Jessa, kailangan beauty, blooming,” pagbabahagi ni Dingdong.

comments powered by Disqus

mofuse.com