Amy nireklamo ang driver ng sosyal na hospital

SEEN SCENE

SEEN: Hindi kaagad nakasagot si Matthias Rhoads nang tanungin siya sa presscon ng Super Ma’am tungkol sa kanyang edad. Nag-isip muna si Matthias bago sumagot na 25 years old na siya. Si Matthias ang kapareha ni Marian Rivera sa Super Ma’am ng GMA 7.

SCENE: Ikakasal sa linggong ito si Manila City Councilor Robert Ortega sa ina ng mga anak niya. Christian wedding ang pinili ng Ortega couple.

SEEN: YSL at hindi Chanel ang clutch bag ni Chanel Morales sa presscon ng The Debutantes noong Martes. Produkto si Chanel ng Artista Academy ng TV5 at siya ang girlfriend ni Carl Guevarra.

SCENE: Si Sue Ramirez ang pinakabida sa The Debutantes dahil nakasentro sa karakter na ginampanan niya ang kuwento ng pelikula.

SEEN: Malaki ang tsansa na magtambal sa mga pelikula ng Viva Films si Sam Concepcion at ang kanyang girlfriend na si Kiana Valenciano dahil pareho na sila na contract stars ng Viva Artists Agency.

Scene: Ang reklamo ni Amy Perez na inikot nang inikot ng valet driver ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City ang sasakyan niya. Sapol ng dash cam ng sasakyan ni Amy ang ginawa ng valet driver na nag-name drop din sa pangalan niya.

SEEN: No reaction pa si Jenine Desiderio sa admission sa entertainment writers ng kanyang anak na si Janella Salvador na may hidwaan sila. Masipag mag-emote si Jenine sa social media sa tuwing nag-aaway sila ni Janella.

SCENE: Lumuha sa takilya ang commercial run ng first indie movie ni Sharon Cuneta, ang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha dahil hindi ito tinangkilik ng moviegoers. “Little movie” ang tawag ni Sharon sa pelikula niya na literal na “little” ang box-office gross nang magbukas sa mga sinehan noong September 3.

comments powered by Disqus

mofuse.com