Miss Granny maglalabas ng sariling soundtrack!

By Salve V. Asis

image

Sarah

MANILA, Philippines — Ang cute ng trailer ng sinu-shooting na pelikula ni Sarah Geronimo na Miss Granny with Xian Lim and James Reid.

Pinapanood sa amin ang trailer, at in all fairness, ang taas ng aliw factor niya.

May special role sa movie si Ms. Nova Villa na tiyak na ikaaliw ng mga manonood.

Maging ang sikat na si Aling Vicky (Hermie Go) ay may special participation din sa movie. Kuwento nga ni Aling Vicky nang makatsika ko nung minsan, kahit siya raw ay naaliw sa role niya.

Sa August pa ang target playdate ng Miss Granny, ang Pinoy adaptation ng Korean hit movie with the same title.

Almost 70% na raw ang nakunan ng pelikula na dinidirek ni Binibining Joyce Bernal.

May sariling soundtrack din daw ang movie na tiyak na mas nakakadagdag sa excitement ng fans.

Pero ngayon kasi ay mas tutok si Sarah sa kanyang 15th anniversary concert sa April 14, This 15 Me, sa Araneta Coliseum na magkakaroon din ng US tour.

Nurse ni Nadine baka raw matuloy pa rin

image

Ay hindi naman pala sariling gastos ni Direk Jun Lana (IdeaFirst) ang ocular inspection nila sa Japan para sa pelikulang Nurse na supposedly ay pagbibidahan ni Nadine Lustre dahil co prod sila ng Viva Films.

Maalalang nagpahayag si Direk Jun na hindi biro ang dalawang beses na biyahe nila sa Japan. Ang conflict of schedule ang tinuturong rason sa supposedly ay hindi pagkakatuloy ng nasabing horror movie na nabanggit pa ni Nadine nung presscon ng Never Not Love You na isusunod nga raw niyang gagawin.

“Scheduling conflict. Been waiting too long and it’s taken too much of my time. Going to Japan 2x to prep is no joke,” ayon kay Direk Jun nang sagutin niya ang isang fan kung bakit natatagalan ang movie bago nag-Holy Week.

Nag-post pa si Direk Jun ng “My film. My rules.”

Ang point ng fans nina James and Nadine, sana raw ay kinausap na lang ng IdeaFirst ang Viva tungkol sa schedule ng actress dahil ang management group naman nito ang may hawak ng sche­dule.

Ang feeling ng fans na nagrereklamo parang pinagkakaisahan ang magka-relasyong bida sa pelikulang pinipilahan sa kasalukuyan, Never Not Love You, na bago ang showing ng pelikula nila ay nauna nang nag-emote si Direk Cathy Molina sa social media rin.

Anyway, as of presstime, ang sabi ay may chance naman daw matuloy ang Nurse na si Nadine pa rin ang bida.

Wait tayo kung anong magiging final decision sa Nurse na supposedly ay sa Japan magsu-shooting ng kabuuan ng pelikula.

Pangarap natupad, Janella nag-feeling Emma Stone

image

Tinupad ni Janella Salvador ang pangarap sa kanyang birthday. Sinama nila sa bakasyon nila ni Elmo Magalona ang pagbisita sa location ng favorite movie niya na La La Land at same dress pa ang suot niya sa ginamit na damit ng bida sa pelikula na si Emma Stone. Nag ala Ryan Gosleng naman si Elmo.

“I chose to spend my birthday here because I am *obviously* the biggest La La Land fan. Something about the music, cine­matography, characters & storyline captured my heart and since then it had been a dream of mine to visit the beautiful places they shot in (check my previous post). It gives me so much joy to think that I was finally able to expe­rience it on my special day with people who are close to my heart. I can’t thank Ate Abie enough for getting me the exact same dress Mia (Emma Stone) wore in the film and of course, Elmo, for being patient enough to do all the crazy things the fangirl in me wanted to do. My La La Land heart is soaring!,” ang kuwento ni Janella sa photos nila ni Elmo sa isa sa famous locations ng Hollywood film, ang Griffith Observatory sa Los Angeles, California.

Wala nang ingay ang away nila ng mother niyang si Jenine Desiderio dahil obviously naman ay enjoy siya sa piling ni Elmo.

comments powered by Disqus

mofuse.com