Young actress na nagkaasawa ng musician, nagpasasa sa datung ng pulitiko!

UBOS By Cristy Fermin

Nu’ng mga panahong sobra-sobrang maglabas ng datung ang isang kilalang pulitiko ay napakaraming female personalities ang pumayag na makipag-date sa kanya.

Sa isang simpleng dinner lang kasi ay nagbibigay nang kalahating milyon ang pulitiko, saan nga naman nila pupulutin ang malaking halagang ‘yun, hanggang pa-touch-touch lang naman ang bilyonaryong pulitiko sa kanilang kamay.

Kuwento ng aming source, “Nakapila ang may gustong makipag-date kay sir, kahit nga naman kasi magpagulung-gulong sila sa EDSA mula Monumento hanggang Baclaran, e, wala silang makikitang kalahating milyon!

“Wala lang naman silang gagawin kundi ang makisabay na mag-dinner kay sir, kuwentuhan lang sila nang wagas, walang monkey business. Pagkatapos nu’n, e, nakahanda na ang five hundred thousand pesos, umuuwi ang mga girls na humahalakhak sa sobrang tuwa!

“Nu’ng time na ‘yun, e, mga female personalities mula sa isang network ang madalas na ka-date ni sir, mga bagets pa sila, pero pumapayag silang makipag-date! Bakit nga naman, nabusog na sila, e, meron pa silang half million, choosy pa ba naman sila?,” kuwento ng aming impormante.

Pero sa lahat ng mga naka-date ng pulitiko ay isang female personality ang nagwagi. Nagustuhan siya ni sir, ibinahay na siya, lahat ng gusto niya ay nakuha ng young actress habang magkasama sila.

“Si ____(pangalan ng isang morenang young actress) sa lahat-lahat ang nataypan ni sir, talagang inoperan siya ng lahat-lahat, kaya bumigay si young actress.

“Nahiga siya sa salapi, gumanda ang buhay ng pamilya niya, biyahe kung biyahe ang ginagawa nila dahil napakaluwag sa salapi ni papa. Hanggang sa nagsawa na sa kanya si sir, naloka ang girl, dahil lahat ng ibinigay na stuff sa kanya, binawi uli!

“Mabuti na lang at mautak ang girl, nakapag-ipon siya, ‘yun ang ikinabuhay niya pagkatapos ng kanilang relasyon ni sir. Masaya na ang girl ngayon, may sariling pamilya na siya.

“Isang musikero ang napangasawa niya at naging controversial pa nga silang mag-asawa dahil sa isang sex video na pinagpistahan ng buong bayan!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Cogie todo ang pagpapapayat, comeback movie magsu-shoot sa Europe

image

Masayang nagkuwento sa amin si Cogie Domingo pagkatapos ng ginanap na parada sa Amana Water Park sa Pandi, Bulacan nu’ng nakaraang Huwebes Santo. Ipinaimbita siya sa amin ni Mayor Enrico Roque para magsuot ng costume ni Superman.

Sabi namin kay Mayor Enrico ay panalo kung si Cogie ang kukunin, kahit tanggalin ang kanyang maskara ay Superman pa rin ang dating, nagkaroon man kasi ng karagdagang timbang ang magaling na aktor ay hindi nabawasan ang kanyang kaguwapuhan.

Ganu’n pa rin ang kanyang itsura, walang pagbabago, kailangan lang talagang mag-gym ng aktor para mabawasan ang kanyang weight. Masayang-masaya si Cogie dahil hindi pa rin siya nakakalimautan ng ating mga kababayan kahit hindi na siya masyadong aktibo ngayon sa paggawa ng pelikula.

Ibang-iba talaga kapag ang artistang namamahinga ay may iniwanang marka. Hindi malilimutan ng mga manonood ng pelikulang Pilipino ang napakahusay niyang pagganap sa Deathrow kasama si Tito Eddie Garcia. Markado ‘yun para sa isang bagitong aktor na tulad niya.

Kailangang magpakaseryoso ngayon sa pagdyi-gym si Cogie, may nilulutong proyekto para sa kanya ang Cineko Productions, isang pelikulang kukunan nang buo sa Europe.

Inspirado ngayon ang guwapong aktor, talagang kakaririn na raw niya hindi lang ang pagdyi-gym, kundi pati ang pag-aalaga sa kanyang diet. Marami na siyang iiwasang pagkain ngayon para ma-achieve niya ang tamang timbang na inaa­sinta niya.

Kasado na ang lahat, ang pagpayat na lang niya ang hinihintay, na ipinangako naman ni Cogie Domingo na tatrabahuhin niya ngayon hanggang sa mga susunod na buwan.

Guwapo na ay magaling pang umarte, bibihira lang ang mga tulad ni Cogie Domingo na kumpleto ng armas sa pakikipaglaban, naaalala nga namin siya kapag napapanood naming umaarte si Joshua Garcia.

comments powered by Disqus

mofuse.com