Kim masaya sa piling nina Angelica at Bela

SHOWBIZ NEWS NOW NA! By Boy Abunda

Usap-usapan ngayon ang pagiging matalik na magkaibigan nina Kim Chiu, Angelica Panganiban, at Bela Padilla.

Paano nga ba nabuo ang pagkakaibigan ng tatlong aktres? “Pumunta lang kami sa isang birthday party na hindi kami invited. Gate crasher kami ni Bela kasi galing kami sa isang birthday. Tapos ayaw pa naming umuwi, ayun, pumunta kami sa isa pang birthday, ni Direk Andoy Ranay na nando’n si Angelica. So ayun, ang saya-saya, nakakatawa. Tapos hanggang sa lagi na lang kami lumalabas, sa Time Zone, mga kalokohan,” kuwento ni Kim.

Masayang-masaya ang aktres na nakakilala siya ng mga bagong kaibigan sa show business. Mara­ming mga bagay ang pagkakapareho nina Kim, Bela, at Angelica kaya magkasundung-magkasundo silang tatlo. “Ang bababaw pala naming lahat. Mga simpleng jokes lang tawang-tawa na kami. Do’n kami nagkita-kita, mga simpleng bagay pagtatawanan. ‘Yung simpleng takbo sa U.P., enjoy na enjoy kami. ‘Yung simpleng kain sa labas na hindi namin pinupuntahan, dinarayo namin, gano’n,” dagdag ni Kim.

Isa pa sa pagkakapare-pareho ng tatlong aktres ay wala silang mga kasintahan ngayon pero hindi na raw nila napag-uusapan ang tungkol dito. “Grabe siya talaga, hindi naman! Masaya lang naman kami. Wala naman parang dautan lang talaga. Parang ‘Ano ba girl? Ano na?’ Wala fun lang, gano’n,” natatawang pagtatapos ni Kim.

Karla natupad ang mga ipinagdasal kay Daniel

Masayang-masaya si Karla Estrada para sa mga acting award na nakamit ng anak na si Daniel Padilla kamakailan sa Star Awards for Movies. Nakuha ni Daniel ang Movie Actor of the Year award para sa pelikulang Barcelona. Bukod dito ay nanalo rin ang aktor ng Best Actor for Film sa ALTA Media Icon Awards at Movie Actor of the Year sa EdukCircle Awards.

“Unang-una, unang awards niya saka napakabata niya para makamit niya ‘yung gano’ng Best Actor awards dahil maraming nangangarap diyan,” nakangi­ting pahayag ni Karla.

Aminado ang aktres na nangarap din siya noon na manalo ng acting awards kaya kahit hindi ito nangyari ay masaya siya na ang anak ang nagkaroon ng maraming awards ngayon. “Inabot ko na ang kuwarenta hindi pa rin nakakamit. Mas doble ‘yung sarap sa pakiramdam ‘pag sa anak mo nangyayari lahat ‘yung pangarap mo, na anak mo ‘yung tumutupad at ang sarap lang sa pakiramdam na pinanood lang nila ‘yung movie. Nagalingan ‘yung mga hurado, nagalingan ang mga bumubuo ng Star Awards at napag-desisyunan nila na si Daniel,” pagbabahagi ng aktres.

comments powered by Disqus

mofuse.com