Mga sikat na pambatang channel tampok sa bagong SkyDirect

MANILA, Philippines — Mas maraming pagpipilian na programa ang mga batang Pinoy dahil tampok sa SKYdirect Prepaid Plan 150, ang bagong plan ng SKY, ang mga sikat na kids channels bilang bahagi ng kanilang panga­ko na maghatid ng dekalidad na programa sa bawat miyembro ng pamilya.

Sa Plan 150, mapapanood na ng mga bata ang kanilang paboritong shows sa Disney, Nickelodeon, Cartoon Network HD, Toonami, at sa ABS-CBN children’s channel na YeY.

Dahil sa mas maraming kids channels, mas maraming kuwentong pambata rin ang matutunghayan na magdadagdag ng saya.

Kabilang din sa Plan 150 ang ABS-CBN HD, S+A HD, Cinema One, TAG, at Knowledge Channel para kumpleto ang family TV bonding dahil ang panonood ng telebisyon ay isa pa rin sa panguna­hing libangan ng mga Pilipino lalo na sa mga nakatira sa malalayong lugar sa bansa.

Wala ring lock-in monthly fee ang SKYdirect prepaid plan 150 at nakakasagap pa ng signal sa kahit anong lugar sa Pilipinas.

Samantala, handog ngayong buwan sa iba’t ibang kids channels ang ilan sa mga paboritong programa ng mga bata tulad ng Elena of Avalor sa Disney, Ben 10 sa Cartoon Network HD, Fairly Odd Parents sa Nickelodeon, Dragon Ball Super Saiyan sa Toonami, at Strawberry Shortcake pati na ang children’s show na Team YeY sa YeY.

Bukod dito, magpapasaya rin sa TV bonding ng pamil­ya ang Attack on Titan Live Action Part 1 & 2 sa TAG, Die Beautiful sa Cinema One, La Luna Sangre sa ABS-CBN HD, UAAP Season 80 sa S+A HD, at ang educational show na Mathdali sa Knowledge Channel.

Para mag-apply ng SKYdirect plan, pumunta sa skydirect.com.ph. Para sa mga SKYdirect prepaid subscri­bers, i-text lang ang SKY150 sa 23667 para i-convert to SKYdirect Plan 150 load ang ABS-CBNmobile, Globe Prepaid o TM load na magtatagal sa loob ng isang buwan.

comments powered by Disqus

mofuse.com