Gay comedian gustong kasuhan ng hinipuan daw na Grab driver

PIK PAK BOOM By Sol Gorgonio

image

Dingdong at Anne

Bianca at mga kaibigan muntik malunod dahil daw ayaw mainitan

PIK: Viva movies ang ipinalabas na trailer nang pinanood namin ang Never Not Love You nina James Reid at Nadine Lustre, at marami ang nag-comment na mukhang maganda at exci­ting panoorin ang Sid and Aya nina Dingdong Dantes at Anne Curtis.

Sa trailer pa lang, nakikita mong may chemistry ang dalawa, at kahit alam naman ng lahat na may kanya-kanya na silang asawa, meron pa ring kilig sa ilang eksena.

Sa May pa raw ang showing nito, at dahil sa Viva ito, ewan ko lang kung maging cooperative ang ABS-CBN na makapag-promote si Dingdong sa kanilang istasyon.

Hindi lang din ako sure kung makapag-promote si Anne sa Kapuso network.

PAK: Nakiusap ang bading na komedyante na huwag na raw sanang ikalat ang kuwentong may hinaras na naman siyang lalaki.

Ang nakarating kasi sa aming kuwento ay inireklamo raw siya ng isang guwapong Grab driver na hinipuan daw niya nung nagpahatid siya.

Baka raw kasuhan ito ng Grab kung seryoso na si driver sa reklamo niya.

Nakausap namin si komedyante, ayaw na niyang patulan pa sana dahil obvious na paninira lang daw sa kanya. Bakit naman daw niya gagawin iyun, eh muntik na nga siyang makalaboso sa isang iskandalong kinasangkutan niya?

Sabi ng isang taong malapit sa komedyante, meron daw talagang nanggugulo sa kanya na parang nanakot na meron daw itong ilalabas na iskandalo sa social media. Hanggang sa hinihingan daw siya ng 50 thousand pesos para hindi raw ilalabas itong bagong iskandalong kinasangkutan niya.

Hindi raw ito pinatulan ni komedyante, kaya hindi na raw siya nagulat nang may naglabasan na ganung isyu. Paninira lang daw ito sa kanya, kaya nakiusap siyang huwag na raw sanang patulan.

Mas magpu-focus na lang daw siya ngayon sa iri-release niyang MTV at single.

BOOM: Napapag-usapan lang ang nangyaring aksidente nina Bianca Manalo at Ehra Madrigal nung nakaraang Holy Week, may nagparating ng kuwento na kaya raw tumaob ang speedboat na sinasakyan nila dahil hindi raw ito balanse  nung nasa laot pa lamang sila.

Paano ba naman, karamihan daw sa kanila ay nagkumpulan sa isang side ng speedboat na may bubong dahil umiiwas daw mainitan.

Kaya naloloka raw ang ilang kaibigang nag-comment na bakit pa sila lumabas kung ayaw pala nilang mainitan?

Saka kapag may ganung nasa labas ang speedboat, dapat may sumusunod daw na guard na naka-jetski o nasa isang boat din para sa security nila.

Kaya tatlong oras daw silang palutang-lutang sa dagat na walang may nag-rescue dahil wala agad nakaalam sa aksidenteng nangyari.

comments powered by Disqus

mofuse.com