Cherie enjoy na gumulong-gulong sa putikan

ABOUT SHOWBIZ By Nitz Miralles

image

Ipinahayag ni Cherie Gil sa presscon ng Sirkus na ang family-oriented/children’s fanta­sy series na magpa-pilot this Sunday, 6:10 p.m. ang favorite niyang show sa mga nagawa sa GMA 7.

Kuwento ni Cherie, enjoy siya sa taping kahit nagpapagulung-gulong siya sa putik at malayo ang location nila. Pinuri rin nito ang cast na professional at dumarating sa ta­ping na memoryado ang script at alam ang gagawin. “These young kids, make working for me easier,” sabi pa ni Cherie.

Binanggit ni Cherie na si Fanny Serrano ang gumawa ng kanyang magandang costume na bumagay sa role at karakter niyang si La Ora. Si direk Zig Dulay ang unang kumausap sa kanya to be in Sirkus na first teleserye rin ng direktor.

Sa nagre-request na gawing daily ang series ay hindi raw puwede dahil mahirap gawin ang CGI at ibang visual effects ng series. 

Juday lumihis sa mga dating ginagawa 

Sumagot si Judy Ann Santos sa pasasalamat ni Kris Aquino sa magandang experience niya sa TVC.

“It was a happy shoot @krisaquino as always,” reply ni Juday.

Sabi kasi ni Kris, “It’s such a wonderful feeling to still be excited about new experiences...it was fun to be nervous again because it made me realize there’s still so much i haven’t done & so much for me to look forward to. Thank you @officialjuday. Another in my career bucket list! #grateful.”

Walang clue kung ano’ng produkto ang ie-endorse nina Judy Ann at Kris. 

Samantala, sa Wednesday, January 17, na ang showing ng Ang Dalawang Mrs. Reyes, ang pelikula nila ni Angelica Panganiban. Nag-swak ang pelikula sa gusto ni Judy Ann for 2018, “a material that would challenge me to go out of my comfort zone and something different before mag-40 ako,” sabi ni Judy Ann sa presscon ng movie.

“Gusto ko something refreshing, gusto ko ng change. Humingi ako ng change at ibinigay naman. Bayad na ako sa utang kay direk Jun (Lana), may gagawin kaming project dapat, hindi natuloy. Dito natuloy,” ang sagot naman niya kung bakit comedy ang napiling comeback movie.

 Diether napagkamalang BF ni Megan

Aliw panoorin ang video sa kasal nina Robby Mananquil at Maxene Magalona sa part na inihagis ang bridal bouquet at nag-agawan ang female guests. Si MeganYoung ang nakasalo ng bouquet, at talagang kinarir niya ito. Ginamit niya ang height at pinigilan pa yata ang katabi na makatakbo. May mga nagko-comment na kailangan nang mag-propose ni Mikael Daez para ikasal na sila ni Megan na parang ready na raw mag-asawa dahil sa ginawang pakikipag-agawan sa bouquet.

Pero mas aliw ang comment ng isang follower ni Megan na inakalang si Diether Ocampo ang BF ng beauty queen. “Hindi po si Diether ang boyfriend ko,” sagot ni Megan.

Samantala, first time nagsama sa teleserye sina Megan at Mikael sa Afternoon Prime na The Stepdaughters. 

Kahit may BF 

Ivan at Rhian mabilis nagkaayos!

Mabilis naging friends sina Rhian Ramos at Ivan Dorschner kahit first time pa lang nilang nagkasama sa primetime show ng GMA 7 na The One That Got Away. Kasama na si Ivan sa grupo ni Rhian sa workout sa Kerry Sports Manila sa Shangri-La The Fort.

Mabilis naging komportable si Ivan sa grupo ni Rhian dahil kasama si Lauren Reid, sister ni James Reid na best friend ng aktor. 

Katuwa pala si Ivan dahil hindi sinagot ang tanong ng press people na i-rate ang kaseksihan nina ­Rhian, Max Collins at Lovi Poe, ang mga bida sa TOTGA. Rason ni Ivan married na si Max at parehong may boyfriend sina Rhian at Lovi at mukhang ayaw ma-issue.

Anyway, bukas na ang pilot ng TOTGA. Kaiinggitan si Dennis Trillo na pilot episode na naka-kissing scene na ang tatlo.

Bago pala ang mall show sa Robinsons Novaliches ng cast ng TOTGA, 5pm., this Sunday, makikipagrakrakan muna si Dennis sa Sunday PinaSaya. Kasama niyang guest si Lovi.

comments powered by Disqus

mofuse.com