Heart ipinaliwanag ang paglabo ni Daniel!

By Salve V. Asis

image

MANILA, Philippines — Mukhang may nilulutong malaking project si Heart Evangelista. Busy raw siya ngayong February base sa kanyang IG post. Pero wala siyang binanggit kung ano ‘yun. “Busy February for me... Started the month by shooting something really special... Watch out for it!,” sabi niya.

Obvious na hindi pagbubuntis ang kanyang tinutukoy dahil nga parang nasa isang set sila at nagso-shooting.

Unahan naman ang followers niya sa panghuhula kung ano ‘yung bagong ie-endorse niya. Mas marami ang humula na kape ‘yun. Kilalang coffee drinker ang actress.

Anyway, lumikha ng ingay sa social media ang ipinost niyang photo kung saan nasa background ang ex niyang si Daniel Matsunaga. Siya kasi ang bagong fa­shion muse ng isang brand ng sosyal na perfume at obvious na invited si Daniel sa launching kaya nakita siya sa background ng photo ni Heart. Pero blurred ito samantalang ang isang nasa likod niya na si Tim Yap ay klaro ang image.

Mabilis na nakilala ng kanyang followers na si Daniel ‘yun.

Pero nagpaliwanag si Heart sa mga naglagay ng malisya. “nope pic is really like that;) we are good friends :),” sabi nito.

Ang mismong follower na rin ng actress ang nag-explain na isang klase ng application ang ginamit dun kaya ganun.

Anyway, ayon sa isang source na taga-advertising agency mabenta si Heart na endorser dahil stable ang market niya.

Tulad daw ng isang shampoo na ini-endorse nito, lahat ng mga kasabayan ni Heart ay napalitan na pero ito raw ay bumibenta pa base sa research nila kaya panay ang renew ng contract sa nasa­bing produkto ayon pa katsika kong taga-ad agency.

Sarah bubuhayin ang mga lumang kanta

Ang cute ni Sarah Geronimo sa photo shoot para sa pelikulang Miss Granny (20 Again).

Parang ang bagets bagets niya sa bangs na mataas, direc­ted by Binibining Joyce Bernal.

Kasama niya sa movie sina James Reid and Xian Lim with Nova Villa.

Ang movie ay adaptation ng Korean hit movie na Miss Granny.

At bukod pala sa cute story ng movie, may kantahan ito, kung saan bibigyan ni Sarah ng  modern version ang mga Tagalog old songs na lalong nagpapa-excite sa kanyang fans.

Bukod sa Miss Granny, naghahanda na rin si Sarah para sa kanyang major concert this year, April 14, directed by Paul Basinillo, This 15 Me na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Pagkatapos ng Araneta, bibiyahe naman siya sa Amerika para sa kanyang series of concert doon - April 21, 2018 Los Angeles; April 22, 2018 Pala, CA; April 28, 2018 Pittsburgh, CA; April 29, 2018 Las vegas, NV; May 4, 2018 Chicago; May 6, 2018 New York.

Available na ang tickets ng This 15 Me sa TicketNet online or 911-5555 or at Viva Live 687-7236. Prices are P4,770 (VIP); P3,710 (Patron); P2,968 (Lower Box Premium); P2,120 (Lower Box Regular); P1,272 (Upper Box); and P424 (General Admission).

Karaniwang ang mahal na presyo ng ticket ang unang nauubos.

comments powered by Disqus

mofuse.com